Aug 8, 2007

Kuya Germs: Sino ba ang sikat nang dumating si Angel sa GMA?

Sayang at tila hindi pi­ nag-aralang mabuti ni Angel Locsin ang de­sis­yon niyang lumipat. Ipi­nag­katiwala lamang niya marahil sa kanyang man­ager. Nagugulo tu­loy siya.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ewan ko pero, ayaw na ayaw kong marinig yung salitang “pagod na siya” at yung pagkukum­ para niya sa sarili kina Richard Gutierrez at Robin Padilla, yung siya ang nakatulong sa GMA and not the other way around.

Sino ba ang sikat muna nang dumating siya sa GMA?

Ngayon, reklamo na ng kampo niya

na pina­god siya ng GMA ng husto. Pinagsunud-su­nod ang Darna, Majika, Mulawin at Asian Trea­sures.

Pero, kung di ito gi­nawa ng network, kung di siya inangat ng todo, sisikat ba siya?

Malaking puhunan ang isinugal sa kanya ng GMA, swerte lang na na­kabawi sila, paano kung hindi?

Ngayon, aalis siya. Okay lang pero totoo ba at naisip ba nila na hindi sila ang inoperan ng lili­pa­tan nila, sila ang nag-oper ng ser­bisyo, kaya hindi sila maka­kapag-de­mand.

Sana, umexit na lang sila ng magan­ da, nagsa­bi na lang ng totoo para hindi sila napag­bibintangang unprofes­sional.

At huwag magsasabing di siya tinu­lungan ng GMA dahil binili nito ang rights ng pelikula niyang Angels at tumulong din sa promo nito.

Sana, pagbutihin na lang niya ang trabaho niya sa kabila. Dapat niyang i-consider na maraming artists dito na susukat sa kakayahan niya.

Sana rin, nagtanung-tanong muna siya bago siya nag-alsa balutan para ma­kabuo ng isang mabuting point of view. Kumbaga sa medisina, a second opinion.

I wish you well, sana nga maging successful ka sa naging desisyon mo.

Sa manager mo, sana nata­tandaan mo pa na nanggaling si Angel sa ABS CBN at dinala mo sa GMA. Sino ba ang nakapagpalaki sa pangalan ng alaga mo?
Master Showman Kuya Germs
Pilipino Star Ngayon

No comments: