Aug 5, 2007

Angel, makikipag-usap sa GMA pag-babalik niya

Late na late na akong dumating sa pa-presscon ng ABS CBN para sa manager at ama ni Angel Locsin. Kasama ng dalawa ang kanilang legal coun­sel.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Marami sa mga na­ging sagot ni Becky Aguila sa mga ibina­tong tanong sa kanya ng press ay nabasa ko na sa mga isinusulat ng mga PRO niya.

Ang bago lamang sa sinabi niya ay hindi package deal ang mga alaga niya,

may individual jobs/careers sila and she hopes na hindi sila maapektu­han sa isyu nila ni Angel.

Bago rin sa pandi­nig ko yong sinabi niyang pagbabalik ni Angel ay agad itong makikipag-usap sa mga executives ng GMA bagaman at gus­tung-gusto ko na sana makisawsaw sa mga tanungan at tanu­ngin siyang bakit nga­yon lamang at hindi nung bago ito umalis. Eh di sana wala nang gulo.

Angel will be arriving in a few days, Sana mas makapagbi­gay siya ng malinaw na sagot sa mga ba­gay na malabo pa sa marami hinggil sa gi­nawa nila (o ga­gawin pa lang) na pag­lipat ng network, na hindi pa sila nagka­kapirmahan ay binig­yan na sila agad ng pa-presscon ng lilipa­tan nilang bagong ba­hay.
Veronica Samio
Pilipino Star Ngayon

No comments: