Aug 10, 2007

Angel Locsin and Cogie Domingo are lovers?

Kahit bumabagyo, sangkatutak pa rin na media ang dumagsa sa Centennial airport kahapon nang madaling araw para makunan ang pagdating ni Angel Locsin galing Los Angeles, California pagkatapos niyang mag-aral ng fashion designing nang dalawang linggo sa London.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kumpleto ang mga taga-ABS-CBN 2 na nag-cover sa pagdating ng kontrobersyal na aktres. Kahit ang Startalk ay nandun din.

Kuwento ni Tita Jopay MaƱago ng Startalk, maayos ang pakikitungo sa kanya nina Ms. Becky Aguila

na sumalubong kay Angel kasama ang ama nitong si Angel Colmenares.

Kahit si Angel daw ay maayos din ang ipinakita sa mga taga-Startalk kaya tuwang-tuwa si Tita Jopay.

Tipid lang daw ang mga sagot ni Angel sa mga kontrobersyal na tanong dahil magsasalita raw siya sa tamang panahon.

Ang kumakalat na kuwento, ngayong araw raw pipirma si Angel sa ABS-CBN 2. Pero ang sabi niya, magpapahinga muna siya bago harapin ang mga dapat niyang ayusin.

Naghihintay ang ilang mga usisera sa GMA 7 kahapon nang hapon dahil pinag-uusapan din doon ang pagdating daw ni Angel.

Sabi-sabi, sasabay raw ito sa miting ni Jennylyn Mercado kay Ma’am Wilma Galvante.

Syanga pala, kasabay ni Angel na dumating kahapon si Cogie Domingo.

Tumalilis si Cogie at hindi nagpainterbyu sa media.

May nakapagkuwento na nakasaksi sa eroplano, na nakita raw sina Angel at Cogie na magka-holding hands.

***

Mabuti’t nandito na si Angel Locsin para siya na mismo ang sasagot sa mga isyung dapat niyang sagutin. Hindi na si Ms. Becky ang haharap para sa kanya.

Marami pang dapat ayusin si Ms. Becky dahil hindi lang naman si Angel ang alaga niya na dapat asikasuhin.

Pati ang sarili niyang exposure ay dapat niya ring asikasuhin. Dinig ko, nagreklamo pa raw ito sa ibang reporters na hindi raw maganda ang kuha sa kanya ng ibang gustong mag-cover,

Hindi ko lang sure kung ang GMA 7 ang inirereklamo niya na nag-cover daw sa pagdating niya nu’ng nakaraang linggo.

Umiiwas daw kasi siyang magsalita sa airport kaya kinunan na lang daw ang pagdating niya. Kaya lang, nairita raw ito dahil ang puwet lang daw niya ang kinunan habang naglalakad siya.

Parang hindi maganda ‘yan para kay Ms. Becky.

In fairness kay Ms. Becky, maganda yata ang puwet niya, di ba, JR?
Abu Tilamzik
Abante-Tonite

No comments: