Aug 8, 2007

Alok ng Siyete, tinanggihan nina Jen at Becky

Nang makausap namin si Jennylyn Mercado last Monday night, halata sa boses niya na may namumuo na rin siyang tampo sa mother network na GMA-7.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hindi naman kaila sa lahat ang giyerang namamagitan sa manager ni Jen na si Becky Aguila at sa GMA-7 dahil sa pag-alis ni Angel Locsin sa nasabing network, pero ang katuwiran ni Jennylyn, wala naman siyang alam sa nangyari kaya nagtataka siya kung bakit kailangan niyang madamay.

“Wala, kinansela na po nilang lahat ang line-up ng guestings ko,” sabi niya sa

amin.

Baka naman may pinaplano ang network para sa kanya?

“Mukhang wala naman po, eh,” malungkot at maikli niyang sabi.

Napag-alaman naming may ibinibigay sanang proyekto ang GMA kay Jennylyn, pero tinanggihan ito ng manager niya at maging ng young actress dahil luma na ang project at kung ilang beses nang na-shelve.

Sa ngayon, wala pa ring malinaw na maisagot si Jen kung ano ang kahihinatnan ng lahat. Kuwestiyon pa rin sa kanya kung bakit siya nadaramay sa problema kay Angel.

Naglakas-loob na kaming itanong kay Jen kung willing ba siyang magpa-release sa manager niya kung sakaling hilingin ito sa kanya ng GMA management.

“Hindi po,” ang sagot niya.

Well, in that case, paano nga ba isu-solve ang problema ni Jennylyn?

Sino ba ang dapat magbigay sa dalawang managers (Becky and Artist Center)?

* * *

Ang OMB (Optical Media Board) Chairman na si Edu Manzano ang isa sa makapagpapatunay na hindi si Angel Locsin ang nasa malaswang sex video na kumakalat sa Internet at maging sa mga bangketa.

Nakausap ni Atty. Joji Alonso (lawyer ni Angel) si Edu kahapon para ipaalam na matagal nang may nagsi-circulate na pirated DVD/VCD copies ng nasabing sex video sa mga bangketa at pangalan nga ni Angel ang ginagamit.

Iba-iba raw ang versions ng nasabing sex video. Napanood na rin namin via MMS ang malaswang porn material at base sa pagkakakilala namin sa young actress, hindi nga siya ’yon.

May nagsasabing isang sikat na porn star sa Thailand ang bida sa said sex video, pero may ilan din namang naniniwalang si Angel nga ’yon.

Pero si Edu mismo, convinced na hindi talaga ang young actress ’yon, kaya bilang OMB chairman, nakahanda siyang magbigay ng statement kasabay ang panawagan na huwag tangkilikin ang mga ganitong pornographic material.
Vinia Vivar
People's Tonight

No comments: