Aug 13, 2007

Aiai, di tuloy sa Kapuso Network

Umalis kahapon, Lu­nes ang Comedy Con­cert Queen na si Ms. Aiai delas Alas for Ireland kasama si Erik Santos for a series of shows at pagbalik niya sa August 21 ay mag­sasalita na siya kung ano ang buong kato­tohanan sa nasulat na pumirma na siya ng kontrata sa GMA-7.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Base sa nalaman na­min ay inalok pala ang ko­medyana ni Ms.

Wilma Galvante ng lumipat na lang sa Ka­puso network since wala na naman siyang kon­trata sa ABS-CBN.

Pumayag naman daw si Ms. A sa na­sabing alok, pero hindi pa siya nagbigay ng final deci­sion dahil mag-iisip pa at higit sa lahat, hindi ito alam ng manager niyang si Boy Abunda.

Sinubukan naming tawagan si Aiai bago siya umalis pero sa­rado ang cellphone at may nag-text sa amin na taga-Siete na, “Pu­munta raw sa GMA si Aiai at kina­usap si Ma’am Wilma, walang pirmahang na­ganap tulad ng napag-usa­pan.”

Samantala, sinu­bu­kan din naming i-text ang assistant ni Boy named Phillip tungkol sa isyu, pero hindi rin kami si­nagot pa.

Anyway, nalaman namin na nag­paalam daw si Aiai kay Ms. Cory Vidanes na lilipat siya sa GMA-7 since wala naman siyang project sa nasabing TV network, pero ang say daw ni Ma’am ay, “Don’t leave us.”
Regee Bonoan
Pilipino Star Ngayon

No comments: