Aug 11, 2007

Aga turning 38, wants a quiet celebration

TURNING 38 si Aga Muhlach tomorrow (Aug. 12) at isang quiet birthday celebration lang ang gusto niya with his family (wife Charlene Gonzales and twins Andres and Athasia). Magpo-promote muna si Aga ng latest movie niya, “A Love Story” under Star Cinema sa “ASAP” at sa “The Buzz” at pagkatapos, magse-service siya o magsisimba.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Monday is his free day kaya pupunta silang mag-anak sa farm niya sa Mataas na Kahoy, Batangas and they’ll be back on Tuesday (Aug. 14) at sa gabi’y a-attend naman si Aga ng premiere night ng movie niya with Maricel Soriano and Angelica Panganiban sa SM Megamall Cinema 10.
Asked kung ano’ng birthday wish niya, "Sana

tuluy-tuloy pa rin ang magagandang nangyayari sa buhay ko. I’m also looking forward na magsama-sama lahat ng artista at hindi ’yung nahahati sa dalawang giant networks. Mas maganda kung makakapag-promote pareho sa dalawang networks at magkakaroon ng more job opportunities," said Aga sa kanyang solo presscon for his soon-to-be shown movie.

On Aug. 16, he’s going to Bicol for his post-birthday celebration. Magwe-wakeboarding (his favorite sport now) doon si Aga kasama ang ilang mga kaibigan. Of course, he’s bringing along his wife Charlene, her mom Elvie Gonzales, and some relatives.

Nag-shoot na rin si Aga ng bago niyang movie with Anne Curtis, also under Star Cinema na ang working title ay "Waiting for Love." He’ll be busy until October, ayon kay Aga and by next year, he’s doing a movie with Claudine Barretto.

He’s also looking forward to doing a movie with Angel Locsin ngayong Kapamilya na ang aktres. Ani Aga, curious siyang makatrabaho si Angel to find out how she works.
Rowena Agilada
Tempo

No comments: