Jul 25, 2007

WHAT do sweethearts Roxanne Guinoo and Jake Cuenca have in common?

Well, they both posed for billboards in sexy attires – Roxanne, for her endorsement for White Castle Whiskey, and Jake, for Bench.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
In an interview with Yes Magazine, binanggit ni Jake na matagal na siyang tagahanga ni Roxanne. Lalo raw siyang nabihag ng dalaga nang maatasan bilang isa sa mga young talent ng ABS-CBN na bumati kay Roxanne sa programang ASAP nu’ng minsang mag-birthday ito.

Somehow, in that short encounter, a

friendship developed between them. They exchanged text messages and before they both knew it, naging close na sila sa isa’t isa.

“Bukod sa maganda, mabait si Roxanne. Maasikaso rin siya. Walang araw, kapag hindi kami magkasama, na ’di siya nagte-text sa akin para kumustahin lang ako. Kung sabagay, ganu’n din ako sa kanya,” tukoy pa ni Jake.

Both Roxanne and Jake are happy sa magandang reception ng manonood sa kanilang bagong teleserye, ang Natutulog Ba ang Diyos, kasama ang ex-boyfriend ni Roxanne na si Joross Gamboa.

On Roxanne’s past romance with Joross, ani Jake: “Wala akong makitang masama ru’n. Ako nga, naka-dalawang girlfriends na bago naging ‘kami’ ni Roxanne.”

* * *
DO you know na itong si Jake ay apo ng dating MTRCB (Movie Television Review and Classification Board) chairman na si Manoling Morato?

Ang ina ni Jake na si Elvira ay anak ng kapatid ni Chairman Manoling na si Juanito.
Minsan nga pala, naitanong namin kay Jake kung ano ang naging comment ng Lolo Manoling niya sa kanyang billboard for Bench.

Everyone in the industry kasi knows kung gaano “ka-allergic” si Chairman Manoling sa bold films.

“Wala naman akong narinig na comment sa kanya. I think he has nothing against my decision na maging artista,” sagot ni Jake.
Nel Alejandrino
People's Tonight

No comments: