Jul 25, 2007

Angelica na-excite nang ikama ni Aga

WALA pa sa isip ng young actress na si Angelica Pa-nganiban na mamili ng kanyang role na gagampanan. Yung tipong magka-project lang siya, eh, tatanggap na ng kung anu-anong role.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Halos kung minsa’y magkakasabay ang kan-yang ginagawang project sa telebisyon at pelikula, pero tanggap pa rin siya nang tanggap at walang reklamo.

“Sinasamantala ko lang ang pagkakataon, minsan lang dumating ito sa buhay ko, eh,

aya sige lang. As long as kaya ng health ko at hindi ako magkakasakit, okey lang.

“Marami nga sa mga kasamahan ko ang walang trabaho, kaya naman ang lahat ng offer sa akin, tinatanggap ko. Mas mabuti na itong ganito kesa naman walang work, diba?” pahayag pa niya.

Kasama si Angelica sa matatapos nang teleserye ng ABS-CBN na Rounin at sa bagong pelikula ng Star Cinema na A Love Story. Makakasama niya naman dito sina Aga Muhlach at Maricel Soriano. Si Maryo J. delos Reyes ang direktor ng pelikula.

Marunong sa pera si Angelica. Magaling siyang mag-budget lalo pa ngayong solo siyang nakatira sa isang condo at siya ang gumagastos sa sarili.

“Marami nga ang pumapansin sa akin, bakit daw tumatanggap ako ng role ng isang kabit samantalang napakabata ko pa. Sa A Love Story kasi ay ako ‘yung other woman ni Aga. Naging kabit niya ako rito, hindi ko naman kasi alam na may-asawa na siya kaya pumatol ako sa kanya,” kuwento pa ni Angelica.

“Would you believe, na-excite ako sa bed scene at kissing scene namin ni Aga? But it was done in good taste naman. Hindi lumabas na masagwa o bastos ‘yung eksena. Magaling si Direk Maryo, eh,” dagdag pa niya.

Eh, kumusta naman ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsey?

How true na nagli-live-in na sila sa kanyang condo sa Libis, Quezon City?

“Live-in?” gulat na sabi ni Angie. “Kailanman, eh, hindi ako nakipag-live-in sa kanya, ‘no? Nine months na kami ,pero walang ganu’n, walang live-in. Naka-supervise pa rin ang parents ko sa akin at hindi puwede sa kanila ang ganu’n,” aniya.

Sinabi rin ni Angie na hindi pa sure ang kanyang kalooban kay Derek. Inamin niyang may gusto rin siya sa host ng U Can Dance 2 at binata pa ito, pero hindi raw sapat ‘yun para ibigay na niya ang lahat-lahat kay Derek.

“Diyos ko naman, tama na ‘yung maging super-close lang muna kami. Kumbaga, kasisimula pa lang ng relasyon namin, eh. Kahit pa gusto siya ng parents ko, ‘di enough reason ‘yun para gumawa kami ng bagay na hindi pa dapat,” sabi ulit niya.

“Mas mahalaga sa akin ngayon ang trabaho. Lovelife, puwede ‘yang maghintay. Puwede ring diyan lang ‘yan sa isang tabi.”

May lalaking stalker daw si Derek, ano ang masasabi rito ni Angelica?

“Meron nga raw, at sabi ko’y mag-ingat siya dahil delikado ang taong ‘yun. Ang nakapagtataka’y bakit lalaki ang stalker niya? Dapat babae, di ba? Naku, hindi kaya may gusto kay Derek ang stalker niya,” natatawang pagtatapos ni Angelica.
Dennis Aguilar
People's Taliba

No comments: