Jul 6, 2007

Wendy Valdez answers the allegation that she slept with FEU professors to pass



Now it can be told na ang Wendy Valdez na inaalipusta ng loyal viewers ng Pinoy Big Brother 2 ay super sikat na ngayon at maski na anong paninira pa ang gawin ng detractors niya sa inter­net ay wala na silang magagawa pa dahil kaliwa’t kanan ang offers sa kanya.

Si PBB2 3rd Big Winner ay may 3 movie offers, isa sa Regal, isang indie film at isa pa na nakalimutan namin, may 2 soap drama sa ABS-CBN at TV commercials.

Say nga ni Wendy, “Although ma­sakit ang mga pinagsasabi sa akin, pero nakatulong naman dahil umingay ang name ko.”

At klinaro rin ni Wen­dy na hindi totoong naki­pag-one night stand siya sa mga professor niya sa FEU dahil, “Hello, mass­com po ako at la­hat ng professors ko, ba­ding, so sino ang pa­patol sa akin na bading?

“At kung totoo ‘yun, e, di sana grumadweyt ako with honors at sana hin­di ko tinapos ang mass­com ng 8 years ‘no?”

Kaya naman inabot ng walong taon si Wendy ay dahil paputol-putol ang pag-aaral niya, “Kapag may pera ako, doon ako nage-en­roll, kapag wala, hindi mu­na, kaya po ako uma­bot sa walong taon, utay-utay,” pahayag ng babaeng Magdalena ng showbiz.

Hindi rin daw siya kabit ng DOM o naging GRO sa La Lagenda, “Kung toto­ong may kabit ako, e, di sana hin­di na kami sa iskwa­ter nakatira? Siyem­pre ilili­pat ko ang pamilya ko sa ma­gandang bahay para sosyal, di ba? E, hin­di nga, doon pa rin kami nakatira,” saad pa ni Wendy.

Samantala, nilinaw ni Wendy na hindi niya na­ging boyfriend o ka-MU si Paolo Bediones, “We dated for a while, but never na naging kami. Bakit lumabas ngayon ang isyung ‘yan, e, hindi ba ayaw niyang naka­kaladkad ang name niya? Bakit ngayon may lumabas? Ayaw ko na ring sagutin pa ‘yan,” pakiusap ni Wendy.
Source

No comments: