Jul 19, 2007

Update on Rudy Fernandez

SA totoo lang, natuwa kami nang makita naming muli ilang gabi na ang nakararaan sa Baclaran church si Rudy Fernandez.

Ibig sabihin noon ay malakas na naman siya. Nakakalabas na siya ng bahay. Nakarating na nga siya ulit sa Baclaran, eh.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Noong araw naman kasi, kahit na bago pa nagkasakit iyang si Rudy, nakikita na namin iyan sa Baclaran church.


Hindi nga siya nakikipagsiksikan sa dami ng tao, kaya nga siguro Martes din ng gabi kung magpunta siya roon.

Kagaya ng maraming nagtutungo rin sa simbahan ng ganoong araw, ang katuwiran nila ay hindi masikip, at mas maka-kapag-dasal sila nang maayos dahil hindi pa magulo sa dami ng tao.

Bago naman namin nakita si Rudy, narinig na rin naming ang balita na sa pinakahuling test sa kanya ay nawala na iyong apat na malalaking tumor niya, at iyong mga maliliit namang natitira pa ay sinisiguro na
ng mga doktor na makakaya ng chemo therapy.

Nakakatuwa iyan dahil minsan narinig din naming nakakaramdam siya ng pain sa kanyang katawan pagkatapos ng therapy, na natural lang naman daw sabi ng mga doktor niya, pero mahirap iyon dahil hindi siya makakilos nang normal.

Pero sa nakikita naming unti-unti na ngang umaayos ang kalagayan ni Rudy.

Minsan nasabi rin naman niya sa amin na gusto na niyang gumaling at nang makapagbalik na siya sa kanyang trabaho.

Nami-miss na rin naman daw niya ang mag-shooting ng mga pelikula at lumabas man lamang sa telebisyon.

Naniniwala naman kaming hindi magtatagal at mababalikan na nga niya ang trabaho niya. Naniniwala kaming hindi magtatagal at gagaling na rin nang tuluyan iyang si Rudy.
Ed De Leon
People's Taliba

No comments: