Jul 19, 2007

Maja Salvador and Carlo Aquinom an item?

MAWIWINDANG kaya ang mataray (pero may malaking puso sa kabutihan) na manager ni Maja Salvador kapag nalaman niyang si Maja nga ang tinukoy na ‘maja’ ni Carlo Aquino sa thank you’ portion ng album ng banda nitong Kollide?
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Yes, ibinando nga ng lead singer (at gitarista din) nitong si Carlo Aquino ang pangalang “Maja” sa mga pinasalamatan nito?

Hindi man nilagyan ng apelyido ang nasabing pangalan, nagkakaisa naman ang lahat na ang batang magandang aktres na si Maja Salavador ang maaaring tinukoy ng binata sa mga pinasalamatan niya na ayon sa kanya ay “the one that keeps me humble, rational and inspired.”

May carrier track na Alaala ang nasabing album at dahil nilagyan nila ito ng bagong tunog, ni-rerecord nila ang lahat ng mga kanta dito. We were given a sample of their performance at muli kaming nagkaisa sa pagsasabing may future sa pagkanta ang grupo ni Carlo.

Magaganda ang boses nila at hindi maingay ang uri ng music nila. Aliw na aliw kaming pagmasdan siya habang naggigitara dahil bukod sa ‘inspired’ siyang kumanta, may kakaibang hatid ang pagiging kaliwete niya.

Parang nakakailang na ewan, and yet suwabeng-suwabe niyang nakukumpasan ang bawat kanta nila.

May mga upcoming shows na ang grupo at ayon nga kay Carlo, “second love ko ito at nais kong mabigyan naman sana kami ng pagkakataon.”
People's Taliba

No comments: