Jul 31, 2007

Ryan, di makatingin ng tuwid kay Mother Lily

Hindi naniniwala si Ryan Agoncillo na aalis sa ABS-CBN si Judy Ann Santos para lumipat sa GMA-7. Ka­pipirma lang daw ng girlfriend ng kontrata sa Ch. 2. “I don’t think it will happen soon, but she made a movie with GMA Films,” wika nito.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Tuwang-tuwa pala si Ryan sa presscon ng My Kuya’s Wedding dahil

natupad na ang dream niyang maging Regal baby. Fan ito ng movies ng film compa­ny lalo na ang Shake, Ratlle & Roll series na laging inaab­a­ngan sa Metro Manila Film Festival.

Ibinuking din nito ang sarili na starstruck siya kay Mother Lily at hanggang ngayon, hin­di pa rin siya ma­katingin ng tuwid sa kanyang pro­ducer. Si­guro naman, ‘pag ginawa na nila ni Judy Ann ang movie nila sa Regal next year, ma­sasanay na siya sa producer.

Si Ryan din ang nagpaalalang birthday presentation ni Mother Lily ang MKW, dahil birthday ng producer sa August 19 at sa Aug. 29 naman ang showing ng movie. After the presscon last Saturday, gina­nap ang cast party sa Caf√© Kara­vana na ipi­nang-imbita ng TV host-actor.
NITZ MIRALLES
Pilipino Star Ngayon

No comments: