Jul 20, 2007

Raymart, naiyak pagkakita sa anak!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kahit “kinarir” pa ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto na maging ka-birthday nila ang kanilang first baby, hindi na nila napilit pa.

Alas dose ng hatinggabi kahapon ay sumakit na ang tiyan ni Claudine. Nakuha pa nga nitong maligo at mag-prepare bago ihatid ni Raymart sa ospital. Bago ’yon, tinawagan na nila ang kanilang OB-gyne para ipagbigay-alam na mukhang manganganak na si Claudine.

Nakuha pang itanong ng doktor kung ano’ng petsa na ba? July 19 kahapon, pero pinresyum na ng kanilang doktor na baka malabo nang ma-extend pa hanggang July 20 ang birthday ng bata.

Kaya kahapon, dahil pumutok na ang panubigan ni Claude, isinugod na siya sa ospital at sa ganap na 7:44 ng umaga ay iniluwal niya nang normal ang kanilang bouncing baby boy na tumitimbang ng 6.9 lbs. — si Rodrigo Santino Barretto Santiago. “Nakalimutan ko ’yung haba niya. Hindi ko nakuha, hahaha!”

* * *

Halo-halo ang feeling ni Raymart nu’ng unang makita ang anak na pagkatangus-tangos ng ilong.

“Naiyak ako, eh. Hindi ko malaman ’yung feeling, basta ang alam ko, masaya ako,” sey ni Raymart nu’ng makausap namin sa Wow! Ang Showbiiiz! (sa dzXL 558khz at naririnig din nang libre sa www.rmn.ph, 10:30 a.m.-12 noon) sa tulong ng aming colleague na si Francis Simeon ng Star Studio Magazine.

“Kahit si Claudine, naiyak din, eh. Wala pa ngang tulog ang mommy, dahil every two hours, nagpapadede siya kay Santino.”

Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Raymart na siya ang pumutol ng pusod ni Santino, dahil nagmistula siyang photographer sa pagkuha ng mga picture ng mag-ina.

“Si Kuya Rowell naman ang siyang kumukuha ng video! Grabe, hindi porke ako ang ama, ha? Ang guwapu-guwapo talaga ng anak ko!”

Juice ko, eh, lalayo pa ba tayo, magandang lalaki rin ang ama, ’no!

Bukod sa bumisitang si Piolo Pascual, dumating naman ng bandang 3:30 p.m. si Gretchen Barretto at tuwang-tuwa ito sa kanyang pamangkin.

Hindi lang namin alam kung hinalikan ni Gretchen ang bagets, dahil ang alam namin, bawal siyang makipag-beso-beso kung kani-kanino.

Sa isang okasyon na kanyang dinaluhan, hindi nakipag-beso-beso si Gretchen.

Anyway, congrats kina Raymart at Claudine, from all of us here! From all of us here daw, o!
Ogie Diaz
People's Tonight

No comments: