Robin Padilla will portray komiks character 'Joaquin Bordado' on GMA-7
Nag-launch last week ang Komiks Caravan ng mag-asawang Carlo J. Caparas and Donna Villa sa opisina ng National Commission on Culture and Arts (NCCA). Nais ng mag-asawa na ibalik ng Pinoy ang dating national pastime na pagbabasa ng komiks.
Anim na komiks at kung ilang nobela ang sabay-sabay na lalabas. Isa rito ang Joaquin Burdado na si Carlo Caparas mismo ang nagsulat.
Ito rin ang ikalawang soap opera ni Robin for GMA-7.
Dalawang soaps ang pinirmahan ni Robin sa Kapuso Network, the first being Asian Treasures with Angel Locsin. Binili na ng GMA-7 ang rights ng Joaquin Bordado for Robin's second project. Next year na ito masisimulan.
Ito ang dahilan kung bakit nasa presscon din ang ilang bigwigs ng GMA-7 sa pangunguna ng VP for Entertainment TV na si Ms. Wilma Galvante.
Malamang na bumili rin ng iba pang materials ang GMA-7 sa mga ilulunsad na nobela ng Komiks Caravan.
GMANEWS.TV
No comments:
Post a Comment