Jul 29, 2007

Precious Lara, di papatol kay Aga

Ang 2005 Miss International na si Precious Lara Quigaman ang leading lady ni Aga Muhlach sa bago nitong sitcom.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kilala si Aga sa pagiging ‘kilabot’ ng mga beauty queen kaya tinanong namin si Lara tungkol sa posibilidad na ma-link sila ng gwapong aktor.

"Pwede talagang mangyari ‘yon at siyempre, may mga taong gagawa

ng mga ingay na gano’n, pero hanggang doon lang ‘yon.

"Syempre, we will always be just friends. At kung meron mang mga link-link na ganyan, mananatiling tsismis lang ‘yon at hindi puwedeng maging totoo.

"Of course, because he is married and her wife is Ms. Charlene Gonzales. Hellooo!! Ano pang magta-top doon, di ba? Nothing else!" naka-smile na bulalas ni Lara. So, nakasisiguro sa kanya si Charlene na wala itong dapat ipagselos?

"No, wala talaga dapat. And sobrang taas ng respeto ko kay Ms. Charlene. We’ve been together in one event ng Binibining Pilipinas and she said, ‘Uy, I’m so happy that you’re part of Aga’s sitcom!’

"So, wala talagang dapat maging intriga sa amin," pakli pa ng beauty queen.

Kabi-break lang ni Lara at ng kanyang boyfriend of one year na hindi taga-showbiz. Kaya binibiro siya ng co-stars niya na lungkut-lungkutan siya sa set dahil broken-hearted siya.

"My heart is not broken. At saka masaya naman po ako ngayon, hindi ako malungkot. Nakatulong ‘yung work dahil relaxing siya for me and refreshing."

Kelan ulit maiinlab si Lara?

"Malapit na po! Ha! Ha! Ha!" mabilis na sagot niya sa amin, sabay tawa.
Allan Diones
Abante-Tonite

No comments: