Jul 25, 2007

Pinoy Big Brother: Kuya's angels will have a new show

Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ngayong araw magaganap ang unang pinakamalaking meeting ng top executives ng ABS-CBN, production staff, at hosts ng bagong Kapamilya talk show.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kinumpirma ng aming source na ang tatlong "angels" ni Kuya ng PBB na sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales, at Toni Gonzaga ang maghu-host ng bagong show.

Dahil sila ang mga

hosts, matapang na haharapin ng tatlo ang anumang intriga, isyu, at kontrobersiya tungkol sa kanila. Handang-handa na raw dito sina Mariel at Toni, pati na ang super evasive sa pagsagot sa mga isyu—lalo na pagdating sa kanyang lovelife—na si Bianca.

Sa ngayon ay hindi pa sigurado kung ano magiging timeslot ng bagong showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN, pero malaki ang posibilidad na ito ang itapat sa Startalk ng GMA-7.
GMANews.TV

1 comment:

Anonymous said...

eh pinagsama ang tatlo pero nilalangaw pa din ang ratings!
mag mall nalng kasi eh,. puro lang kaplastikan!