Jul 26, 2007

Negosasyon sa Dos, alam ng Siyete — Becky

Habang nag-aaral si Angel Locsin sa London, katakut-takot pa ring negatibong reaksyon ang ibinabato sa kanya hinggil sa ginawang pag-alis sa bakuran ng GMA-7 at paglipat sa ABS-CBN-2.

Pero up to now, nananatiling tahimik ang young actress and she’s been staying incommunicado’t ang manager lang na si Becky Aguila ang regular na nag-a-update para sa kanya.

Wala nang gusto pang sabihin si Tita Becky

sa lahat ng negatibong komento, lalo na sa mga kumukuwestiyon sa tunay na dahilan ng kanilang paglipat.

Ayaw na niyang idetalye pa o isa-isahin ang tunay na dahilan because that would be adding insult to injury nga naman.

Klaro namang nasaktan ang GMA-7 management sa naging desisyon nila at kung patuloy pa silang magsasalita, baka raw lalo lang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Basta ang masasabi lang niya, hindi totoong hindi alam ng management na may problema because noon pa man ay sinasabi na niya ang concerns nila, pero walang ginawang aksyon.

“And nagpaalam kami nang maayos. We sent them a letter stating that we’re not accepting their offer and there had been ongoing negotiations with the other channel,” sabi ni Tita Becky.

Ganunpaman, she doesn’t mean war and they still wish GMA-7 the best.

“In this life, we have to make a choice. We made a decision and we stand by it.”

Nagpapasalamat si Tita Becky sa mga nakauunawa sa kanilang ginawa at sa mga hindi naman daw, hopefully, dumating din ang time na maintindihan sila.

Pero nirerespeto nila ang lahat ng opinyon at komento.
Vinia Vivar
People's Tonight

No comments: