Jul 29, 2007

Mother Lily offended by Becky Aguila's disrespect

War in two fronts and hinaharap ngayon ni Becky Aguila at ng kanyang prime talent na si Angel Locsin. The first us with GMA-7, ang original home station ni Angel and the second, ang Regal Entertainment kung saan may movie contract ang actress.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa naglalabasang balita na tapos na raw ang kontrata ni Angel sa Regal, kung ilang beses nang sinabi ni Mother Lily Monteverde na ang abogado na lang niya ng kausapin ng abogado ng ABS-CBN regrading Angel's contract.

Una itong narinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the story conference of Bahay Kubo, isa sa mga panlaban ng Regal Films sa 2007 Metro Manila Film Festival, last Friday, July 28, sa Tycoon office ng Regal.

Sa unang presscon naman ng My Kuya's Wedding kagabi, July 29, sa Imperial Palace Suites, nagbiro si Mother Lily na batuhin namna siya ng kontrobersiyal na tanong, kung kaya't naitanong ng PEP ang estado ng kontrata ni Angel sa film outfit nila.
"Tinawagan ko na sila [ABS-CBN], sabi ko let our lawyers talk about this," sabi ni Mother Lily.

Biglang binanggit ni Mother Lily ang supposed meeting nila ni Becky.

"Humingi siya ng meeting sa akin sa text. Ang sabi niya, she will be free from five to eight p.m.last Friday. Sa Shangri-La.

"She is demanding," sabi ni Mother Lily tungkol sa manager ni Angel. "Aba, she's giving me the time and date kung kailan siya pwedeng kausapin? Respetuhin niya naman ako."

Tinanong ng PEP ang ilang detalye sa kontrata ni Angel sa Regal. Eight-picture contract daw ito pero sa side ng Regal, hindi bilang ang co-production.

"Dapat produced lang ng Regal, bakit ipapasok ang co-production?" sabi ni Mother Lily.

"The voucheers are ready for the lawyers of ABS to see, it's GMA films, it's APT ni [Tony] Tuviera," paalala ni Mother Lily hinggil sa mga co-production with GMA Films---Let The Love Begin, I Will Always Love You, Mulawin The Movie, The Promise, at ang APT Films (Txt).

"Sina Malou [Choa-Fagar] handang mag-witness that this is a co-production. Ang pinirmahan ni Angel, mga solo production ng Regal."

Kung bibilangin, nakakatatlo pa lang si Angel: Sigaw, Mano Po 3, at Mano Po 5. May lima pa siyang pelikula na dapat gawin, ayon sa kontrata.

"Ang sabi sa akin ni Becky bago sila umalis sa States, pagbalik nila, ang priority nila will be our movies with Dennis Trillo. Pero bakit sinasabi nila ito ang last movie sa contratct na pinirmahan niya?" tanong ng Regal matriarch.

Pahabo na balita, malamang nga raw na hindi na lang gawn ang pelikula nina Angel and Dennis pending sa kalalabasan ng usapang kontrata between Regal and Angel's camp.
Dinno Erece
Philippine Entertainment Portal

No comments: