Jul 25, 2007

Lani Mercado, Rosanna Roces kiss and make up

Pagkatapos ng kanilang alitan at pagpapalitan ng salita on television, nagkita sa unang pagkakataon ang magbalae na sina Rosanna Roces at Lani Mercado. Ito ay naganap sa birthday party ni Cristy Fermin kagabi, July 23, sa West Avenue, Quezon City.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Halos magkasabay na dumating si Osang at ang mag-asawang Lani at Senator Bong Revilla. Ang anak ni Osang na si Grace Adriano at ang

anak naman nina Bong at Lani na si Jolo Revilla ang mga magulang ni Gab o Budoy.

Walang kamalay-malay si Osang na nasa harap na niya si Bong. Kaya si Bong na mismo ang tumapik kay Osang at saka sila nagbatian. Nandun din sa tabi ni Bong si Lani kaya pagkatapos batiin ni Osang ang actor-politician, sila na ng dating kaalitang si Lani ang nagbesuhan.

Doon sabay-sabay na ininterbyu ng iba't ibang TV crews ng ABS-CBN sina Bong, Lani, at Osang.

Para kay Osang, matagal nang wala siyang galit o sama ng loob kay Lani dahil may Budoy na nagbubuklod sa kanilang tatlo. Para naman kay Lani, wala nang dapat hintayin na may magsabi pa ng sorry ang sinuman sa kanila ni Osang. Understood na raw ‘yon that "everybody's okay and happy."

Ngayong okay na sina Osang at Lani, posible rin na maging tulay si Bong sa pagbabati naman ni Osang at ng dati niyang manager na si Manay Lolit
Solis—na incidentally ay manager din nina Bong at Lani. Walang paniniyak ang naging kasagutan ni Bong tungkol dito, pero kung magagawa raw niya, bakit hindi?

Naniniwala naman si Osang na pagkatapos nilang magkaayos ni Lani, hindi imposibleng sumunod na rin ang pagkakaayos ng mga nakaalitan niya dati, tulad ni Manay Lolit.
GMANews.TV

No comments: