Jul 25, 2007

Angel, ayaw ipakita sa TV ang madir niya!

Malaman ang statement ni Mama Wilma Galvante tungkol sa nalalapit na paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN.

Sa statement ng big boss ng GMA 7 na ipina­dala kay Papa Ricky Lo ng Philippine Star, sinabi niya na “LOYALTY AND GRATITUDE ARE NOT CO-TERMINUS WITH A CONTRACT. SA PUSO NANGGA­GALING YAN.”
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Totoong-totoo ang sinabi ni Mama Wilma dahil hindi nga naging totoo sa pakikipag-usap sa kanila si Angel

at ang manager nito na si Becky Aguila.

Uulitin ko, ang GMA 7 ang nagbigay ng ma­laking break kay Angel kaya unfair na sabihin na nakinabang din ang network sa kanya.

Mas nakinabang si Angel sa GMA 7 dahil nag­karoon siya ng ma­rami at milyun-milyong halaga ng product endorsements.

Kung hindi binigyan ng mga solo show si Angel, hindi siya ma­papan­sin ng mga advertiser.

May dahilan na mag­tampo ang GMA 7 dahil saksi ako sa so­brang proteksyon na ibinigay nila kay Angel.

Hinarang noon ng Artist Center ang airing ng interview sa ma­dir ni Angel dahil ito ang kan­yang request.

Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Angel na makita sa TV ng mga tao ang kanyang ina.

Palaging ang bulag na tatay ni Angel ang pinapayagang uma­pir o mainterbyu sa tele­bisyon.

Pati tuloy ang tatay ni Angel, nadadamay sa isyu at mga intriga dahil sinasabi ng mga intrigera na si Mr. Angel Colme­nares ang pinagsasalita para ma­kuha niya ang sim­patiya ng publiko porke bulag nga siya.

Ang tatay ni Angel na hindi naman kasali sa isyu at hindi pinag-aak­sayahan ng pana­hon noong nameless pa si Angel.
Lolit Solis
Pilipino Star Ngayon


No comments: