Kris, ’di dapat magalit kay Jobert
NATUTUWA na sana kami kay Kris Aquino dahil walang kaabug-abog na binati niya kaming muli nang hindi sinasadyang makasabay namin sila ni Boy Abunda at ilan pang mga kasama, sa elevator nu’ng presscon ng Boy & Kris kamakailan.
Unaware kung sino ang mga nabungaran namin sa elevator ng ELJ Bldg., nagulantang ang inyong lingkod nang marinig ang boses ni Tetay mula sa likuran namin; “Hi, Tito Ernie!,” aniya, na in-acknowledge naming by saying na napanood namin ang pilot ng B&K earlier that day at nagandahan kami.

Paano naman kami hindi magugulat sa gesture na ’yun ni Kris, eh, nu’ng nasa The Buzz pa ito at madalas kaming dumadalaw sa show, kahit na nakasasalubong namin siya sa corridor ng ABS o kaya’y nakikita niya kami sa labas ng kanyang dressing room kausap si Bambbi Fuentes, super dedma ito sa amin, as in, parang hindi niya kami kilala.
Anyway, hindi kami magugulat kung pagkatapos mabasa ni Tetay itong aming obserbasyon sa kasalukuyang “away” nila ni Jobert Sucalditio, eh, muli niya kaming hindi batiin.
Much more magalit at akusahan din niyang kaming “nakikisawsaw” tulad ng akusasyon niya kay Jobert, dahil sa misunderstanding nila ni Cristy Fermin.
In fairness to Jobert, hindi pakikisawsaw ang ginawa niya sa alitan noon kina Kris at Nanay Cristy, komo’t pumanig ang una sa huli.
Naisip lang marahil ni Jobert kung sino ang mas may katuwiran sa dalawang kaibigang mayroong alitan, kaya doon ibinigay ang kanyang stand.
Hindi rin dapat ikagalit ni Kris ang pagbibigay ni Jobert ng sariling opinion sa radio program nila ni Cristy sa DZMM, na hindi pabor sa kanya.
Karapatan ‘yun ng sinumang taga-media tulad ni Jobert.
Anyway, pagkatapos ng sandaling pamamahinga after giving birth to Baby James, ipinagyabang mismo ni Kris sa said presscon na she’s so thankful dahil sa maraming blessings na dumarating sa kanya.
Pelikula, mga bagong TV show at mga product endorsement.
O, hindi ba, ilan pa ito sa mga dapat sana ay namnamin ngayon ni Tetay, kesa makipag-away sa mga dating tagapagtanggol, tulad nina Manay Cristy at Jobert?
Ernie Enrile
Philippine Journal
No comments:
Post a Comment