Jul 10, 2007

Ang tunay na rason ng hiwalayang Rufa Mae-Erik


LAGING may dahilan kung bakit. Yezzz, for every drop of rain, for every leaf that falls and for every rise and fall of our peso, there’s always a reason.

Ang gustong tumbukin ng yours truly ay ang real reason kung bakit nag-split sina Rufa Mae Quinto
and Erik Santos gayung open naman sila sa pagsasabing mahal na mahal nila ang isa’t-isa.

Ayon sa isang reliable source na malapit sa dalawa, kinausap ni Rufa si Erik kung ready na ito for marriage.

Sabi ni Erik, hindi pa talaga siya ready for a serious commitment.

“Bago pa lang daw ang career niya, sabi ni Erik. May family siyang iniintindi. Eh, siyempre, katuwiran naman ni Rufa Mae, may biological clock ang mga babae. Hindi na siya bata. She’s not getting any younger.

“Eh, kailan naman kaya magiging ready si Erik? Parang sayang naman ang panahon,” added na info pa ng aming reliable source.

Oo nga naman. May katuwiran si Rufa Mae. At naniniwala kami sa info ng aming reliable source.

Ang babae kasi, kapag umabot na ng 30 plus ay hirap nang manganak.

Mas masarap nga namang pakinggan para sa isang babae ’pag sinasabing ... “Para lang kayong magkapatid ng anak mo,” devah naman, Ian F.? (Agree – IFF)

So, who sez na ang isa sa mga dahilan ng pag-i-split nina Erik at Rufa Mae ay ang pagiging frigid ng comedienne sa kama na na-blind item kamakailan lang?

Eh, ang totoo pala, si Rufa ang gusto nang magka-anak, pero ayaw pa ni Erik, tsuk!

Dapat siguro’y alamin ni Erik ang payo ni Kris Aquino kay Boy Abunda du’n sa preskon ng Boy & Kris. May nagtanong kasi kay Kuya Boy kung hindi ba ito naiinggit kay Kris na meron nang dalawang anak.

“He’s too old na. I’m just being honest. By that time, magka-college na ’yung bata and all baka wala na siya rito. Knock on wood! It’s so unfair to the child. No offense meant, Boy, pero hindi ba, I brought that out to you?” sey pa ng Kris, na sinangayunan naman ng butihing manager nina Erik at Rufa Mae.

So there, Erik. Esep-esep. Huwag sayangin ang panahon.

Ang tanong na nga lang, eh, hanggang saan, hanggang kailan ba ang obligasyon ng isang anak sa kanyang biological family?

Obligasyon ng mga magulang palakihin, pag-aralin at bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Ganu’n din ang anak sa mga magiging anak.

Kumbaga, never return a kindness, just pass it on.

Sometimes, you have to sacrifice things simply for the reason na sacrifice is the key to paradise, devah naman Kris?
Mercy Lejarde Philippine Journal

No comments: