Jul 25, 2007

Jomari, ayaw makisawsaw sa bangayang Pops-Martin

Ayaw makisawsaw ni Jomari Yllana sa hidwaan ng girlfriend na si Pops Fernandez at ng ex-husband nitong si Martin Nievera.

“No comment,” ang laging isinasagot ni Jomari sa mga nagtatanong na press.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
“She’s (Pops) okey naman. Sa tingin ko, lalo pa siyang gumaganda sa lahat ng pinagdaanan niya. I’m proud of her

and I’m happy for her,” pagmamalaki pa ng ex-husband ni Aiko Melendez.

Pagbibida pa ni Jom, kahit noong isang buwan ay hindi sila masyadong nagkikita ni Pops dahil sa series of shows ng singer-actress, bumabawi naman daw ito ngayon sa kanya.

“Madalas kaming mag-usap at magkita. Aalis na naman kasi siya. Pero aalis din ako at baka magkita kami sa Tate,” sabi ni Jom.

Pupunta ng Amerika ang aktor para umatend ng kasal ng isang kamag-anak. Sinabi na raw niya ito para matigil ang tsismis na magpapakasal na sila ni Pops sa Tate.

“Yllana ang ikakasal, pero hindi ako. Hindi pa talaga ngayon, at the right time siguro, pero definitely, hindi pa ngayon,” pagtatapos ni Jom.
Gerry Ocampo
People's Tonight

No comments: