Jul 26, 2007

Influential Doc Aga criticizes culture of local network wars

Aga gives his honest opinion regarding ABS-CBN and GMA's war, feels the same way as Juday. Hopefully more big stars like him will speak up against our culture of division. Kudos Aga!-ela-
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pumapalakpak ang mga tenga ko habang nakikinig sa mga sina­sabi ni Aga Muhlach sa presscon ng kan­yang bagong sitcom sa ABS CBN, ang That’s My Doc.

Sinabi ni Aga ang kanyang opinyon pero mas gusto kong ta­waging sentimyento sa nagiging paghihiwa-hiwalay ng mga artista ngayon.

“Dying na kung ta­wagin ang ating local entertainment industry pero, bakit hindi pa pwedeng magsama ang mga artista ng Siete at Dos? Bakit kailangang maging divided

ang mga ar­tista? Kung merong mga pelikula, bakit hindi pwedeng mag-promote ang mga artista ng Dos sa Siete at ang mga artista ng Siete sa Dos?

‘Hindi ko talaga ma­intindihan kung bakit kailangang mag­pa­tayan ang mga ar­tista gayong ang dapat lamang naming gawin ay pagandahin ang aming mga shows para mapasaya ang mga tao at wala kaming iisipin na patayin ang aming mga kalaban?”

Ang ganda hindi ba? First time ko na may marinig na artista na magsalita ng ganito. Sana lamang ay ma­rinig ito ng mga taong kinauukulan para kahit may kompetisyon ay maging magkakaibigan pa rin ang mga artista.

Pinabilib talaga ako ni Aga. But then nasa posisyon na naman siya para makapagbi­gay ng ganitong opi­nion. Maraming katu­lad niya ang may takot pa na ilabas ang na­raramdaman nila. Ta­kot sigurong mawalan ng pelikula, programa sa TV o anumang assignment, takot maka-antagonize ang mga bosses.

Pero, si Aga has reached that level that he could say his piece na walang pwedeng pumigil sa kanya o matatakot sa magiging resulta ng mga sasa­bihin niya.

Sana madag­da­gan pa ang katulad niya.

Going back to That’s My Doc, doktor na naman ang role niya, pero doktor ng tao at hindi ng mga hayop na katulad ng role niya sa isang naunang sit­com.

Ipinapanood sa amin ang trailer ng sitcom, in fairness, nakakatuwa. Andun na naman ang masayang tandem nila ni Ro­derick Paulate na ta­lagang hinangaan ko sa Oki Doki Dok. Plus si Bayani Agbayani na binigyan ng bagong kapareha in the person of Pokwang. Kasama pa rin sina Nova Villa, JC de Vera, Eda No­lan at Celene Lim.

Bagong ingredient naman si Lara Quiga­man.

Direksyon naman ni Danny Caparas.
Veronica R. Samio
Pilipino Star Ngayon

No comments: