Jul 25, 2007

Gutierrez siblings prepare for charity bazaar

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kahapon ay busy ang magkakapatid na Ruffa, Raymond at Richard Gutierrez.

Nag-meeting sila para sa charity event nila sa Setyembre 10 (Linggo) sa Rockwell Tent, ang RRRampa for a Cause.

Bale part two ito ng celebrity bazaar ni Ruffa noong isang taon sa Market, Market.

"Kasama ko na sa charity event na ito sina Richard at Raymond. Bukod sa bazaar,

may fashion show rin. Marami pa kaming mga plano para makapag-raise ng funds para sa iba’t ibang charity works na pinaplano namin.

"Pinag-uusapan na rin namin ang iba’t ibang charitable institution na tutulungan namin," sey ni Ruffa.

Bukod kina Richard at Raymond, nakasuporta rin sa planong ito ang iba pang mga kapatid ni Ruffa, pati ang tatay niyang si Eddie Gutierrez at inang si Annabelle Rama.

"Lahat, excited sa project na ito," dagdag pa ni Ruffa.
Jun Lalin
Abante-Tonite

No comments: