GMA-7 on Angel's transfer to ABS-CBN: Life 'goes on'
After months of speculation and denial, nagpadala na ang abogado ni Angel Locsin sa GMA-7 ng isang farewell letter hapon ng Biyernes, July 20. Ang balitang ito, umabot na rin agad sa ilang nakatataas na mga tauhan sa industriya labas ng Kapuso Network.
Hapon din ng Biyernes naganap ang negosasyon ni Becky Aguila, manager ni Angel, at ang abogado nito sa mga big bosses naman ng Kapamilya Network.
Agad tinawagan ang isang PM ng GMA-7 na isa sa mga unang naging PM ni Angel nang nagsisimula pa lamang ito
sa showbiz para hingan ng reaksiyon.
"Wala, walang reaksiyon ang GMA. Life goes on for GMA," sagot ng aming kausap.
"Wala namang balak palakihin pa ng GMA ang paglipat niya. Hindi naman magsasalita ang GMA about this. Kung gusto niyang magsalita about her reason for transfer, so be it.
"Wala rito ang focus ng GMA ngayon. It's done, she has
moved. Right now, we're focusing in launching the newest shows and the hottest new stars. Then there's Marian Rivera who will star in the most anticipated soap Marimar.
"Personally, I'd say good luck kay Angel," pahabol pa ng PM.
Naitanong din namin kung ano naman ang mangyayari sa ibang alaga ni Becky na mga Kapuso stars pa rin na sina Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, Charming Lagusad, Charee Pineda, among others.
"They have existing contracts, we will abide to their contracts. There are shows being planned na kasali pa rin naman sila and we have committed this to them," sagot ng PM.
Kung sakaling magtapos ang mga respective contracts ng mga nabanggit na artista at nawalan sila ng trabaho, isang matalinhagang kataga ang isinagot sa amin ng kausap namin: "It follows..."
Naitanong din namin sa PM ang isa sa mga side business ni Becky sa GMA-7, ang pagsu-supply ng talents sa mga shows ng Kapuso Network. Napakaraming shows sa GMA-7 na si Becky ang exclusive talent suppliers.
"Marami namang nagsu-supply din ng talents," ang sagot sa amin ng kausap na PM.
GMANews.TV
No comments:
Post a Comment