Jul 16, 2007

Dina, umaming fan ni Juday

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ang ganda-ganda ni Juday sa Ysabella. I really watch it every night basta may chance din lang. Aliw na aliw ako sa kanya at saka, mahilig din akong magluto.

“At ang payat na ni Judy Ann ngayon, ha! She’s so pretty, please tell her that,” sabi ni Ms. D. habang nasa tabi ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo.

Actually, maganda talaga ang feedback sa Ysabella, kaya naman ine-enjoy ng programa ang mataas na ratings gabi-gabi.

Sa nasabing teleserye ay nadiskbre ng fans ni Juday kung gaano ka-delicious si Derek at bagay na bagay din pala sa kanilang idolo.
Team YsaMito ang tawag ngayon sa mga maka-Juday-Derek dahil Ysay ang pangalan ng karakter ni Juday at Mito naman si Derek.

Team Ysandrew naman sa mga Ryan-Juday dahil Andrew naman ang pangalan ng karakter ng real-life boyfriend ni Juday.
Vinia Vivar
People's Tonight

No comments: