Jul 20, 2007

Charlene a perfect wife & mother — Aga

AGA Muhlach can hardly wait to turn 40 in two years. He will be 38 years old on his birthday on August 12.

“So far,” he smiled, “marami na rin naman akong na-accomplish, both personally and professionally. Naging mabait sa akin ang Diyos at sa aking pamilya. Tuwing nagdarasal ako ngayon, nahihiya na ako na humingi pa sa kanya ng sobra. Basta sinasabi ko na lang na marami pong salamat at Thy will be done.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
“At kapag may dumating o nangyayaring maganda sa akin o sa kahit na sinong miyembro ng aking pamilya, feeling ko, binigyan niya ako ng bonus.”

Itinuturing na premiere leading man of his time, Aga has just completed a movie which, he said, ay tunay na maipagmamalaki niya.

Titled A Love Story, the film teams him up with Maricel Soriano and Angelica Panganiban for the first time.

Maryo de los Reyes, who directed Aga in his launching movie, Bagets, is at the new project’s helm. A Love Story also happens to be Direk Maryo’s first directorial job for Star Cinema.

Ang istorya ng A Love Story ay tungkol sa tatlong kaluluwang nagmahal at minahal, nakadama ng kakaibang kaligayahan ngunit hindi rin naiwasang makaranas ng kalungkutang lumikha ng sugat na hindi maghilum-hilom.

“Maganda ang istorya nito,” susog ni Aga. “Pero, alam n’yo bang ang sumulat nitong si Vanessa Valdez ay bata pa, wala pang asawa at ayon sa kanya, wala pang karanasan sa ganitong uri ng relasyon? Kaya, bow kami sa kanya nina Maricel at Angelica, pati na rin si Direk Maryo,” aniya pa.

Bago matapos ang buwan ng Hulyo, sisimulan ni Aga ang bagong movie with Anne Curtis na co-produced ng Star Cinema at Viva Films.

Nakatakda ring simulan ang airing ng sitcom niyang That’s My Doc sa ABS- CBN sa Sunday, July 29.

Four ace comedians are starring with him sa sitcom which Danni Caparas directs. They are Roderick Paulate, Bayani Agbayani, Pokwang at Nova Villa.

* * *

At the presscon for A Love Story, Aga nga pala was asked how he thinks his wife, Charlene Gonzales, will react to the movie. After all, ang premise ng pelikula ay tungkol sa isang lalaking happily married, ngunit isang araw ay natagpuan ang babaing sa pakiwari niya’y kanyang mahal at kabuuan ng pangarap niyang makasama habang buhay.

“Matalinong babae si Charlene. Higit sa lahat, maunawain. Itinuturing niya ang kung anumang mapapanood sa movie as part of what I am �" an actor.

“Napakasuwerte kong magkaroon ng asawang tulad ni Charlene. Sabi ko nga sa kanya, parang isang anghel kang bigay ng Maykapal sa akin.

“She’s perfect as a wife and mother. Deep inside, I know she will do anything, everything para mapasaya kami. May nagtanong sa akin kung masaya ba ako. Ang sagot ko, maligaya ako, lalo’t kung ang panuntunan ng pagiging maligaya ay ang feeling na kumpleto ka bilang tao at professional, dahil you think mahal ka ng Diyos, ng iyong pamilya, ng iyong mga katrabaho at ng mga taong nakakasalamuha mo araw-araw,” seryosong sagot ni Aga.
Nitz Miralles
People's Tonight

No comments: