Boy on Showbiz Central EP: Are you that hopeless ?
Kinorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-talent manager na si Boy Abunda after ng taping ng bago nilang morning show ni Kris Aquino na Boy & Kris sa ABS-CBN kahapon, July 2.
Sinikap naming kunin ang reaksiyon ni Boy sa isiniwalat ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central last Sunday, July 1. Ito ay may kinalaman sa ex-boyfriend ni John na nagngangalang Jasper, na akala niya'y sinulot sa kanya ni Boy.
Ayon kay John, binigyan daw niya noon ng cell phone si Jasper na may tracking device. Sa pamamagitan ng tracking device ay nadiskubre ni John na nagpupunta sa bahay ni Boy si Jasper.
Inamin ni John na tinawagan niya si Boy at sinabing boyfriend niya si Jasper, na gusto palang magpatulong kay Boy sa ambisyon nitong maging artista. Inamin din ni John na pinagsuspetsahan niya sina Boy at Jasper, pero nang na-realize niyang nagkamali siya ng akala ay humingi siya ng apology sa TV host-talent manager.
"Hindi ko alam kung bakit binuhay ‘yon," simula ni Boy tungkol sa isiniwalat ni John.
"Hindi ako... I am a public figure because I am a public figure, I understand, you know. Siguro, sino ba naman tayo magsabi na walang karapatan ang kahit sinong gustong maglabas ng kuwento?
"Tinanggap ko ang apology ni John. Natapos na ang kuwentong ‘yan. It's a closed story. At sinabi naman niya, in fairness to me naman in that interview, tama naman yung hindi ko alam ang detalye. Pero base dun sa mga nakarating sa akin, wala naman siyang masamang sinabi.
"Totoo naman yun. Pinagkamalan niya, nag-apologize siya sa akin. May mga bagay na nasabi siya na masasama tungkol sa akin. Pero napag-usapan na ‘yon. Ang ipinagtataka lang ng marami ay kung bakit inungkat ‘yon.
"Tanong ko ‘yan sa, halimbawa, sa executive producer ng show nila. ‘Ah, are you that hopeless, you know, para lang magkaisyu at magkakuwento?' Yung ganun.
"Si Sweet, okay ako. Tinanggap ko ang apology niya. Wala kaming problema and we are friends. We saw each other in the special of Juday [Judy Ann Santos].
"Nagpapasalamat lang ako na hindi pa dumating sa karera ko, at sa tinagal-tagal ko sa telebisyon, na sinabihan ako ni Kris [Aquino] o sinabihan ko si Kris na, ‘Uy, eto ang gagawin natin.' O, gawin mo Boy para may mapag-usapan. O interbyuhin mo ako at ilalabas ko ‘to," pahayag ni Boy.
Naging stalker ba talaga niya ang ex-boyfriend ni John?
"Ayoko nang idetalye kasi marami pa ang masasaktan," sagot ni Boy. "Importante yung nagkaintindihan, nagkaunawaan, nagkapatawaran, humingi ng dispensa, tinanggap. Okay na 'yon. Kung binubuhay nila para magkaroon sila ng istorya, it's a production concern, ‘no.
"So, ‘yon nga ang tanong ko sa... si Mildred [Natividad] ba ang EP [ng Showbiz Central]? Is this part of her job? Is this command responsibility? Is this Mildred's idea to come up with the story para magkaroon ng story sa show nila?
"Kawawa naman si Sweet, ginagamit. As a matter of fact, hindi naman yata tama na sabihan mo ang host, ang mga artista mo na magpakitang-gilas kayo para magkaroon tayo ng kuwento.
"Pero hindi ko rin tinatawaran na maaaring may consent ni John ang pagsasalita niya. Ay, hindi ko tinatawaran ‘yon. Artista ‘yon, e. Host ‘yon, e. Kabahagi ‘yan ng trabaho.
"Hindi ko sinasabi na kinakampihan ko si Sweet. Pero I understand that point more. Kasi he's a public figure. Kung may kinakailangang pag-usapan, pag-usapan na hindi pa naman lumalabas. I understand that. Pero on a production point of view, ikaw ang magsasabi luma na ‘yan. At saka anong relevance ngayon niyan?
"Oo, hahanapan ko rin si Mildred ng istorya. Titingnan natin. Ang love story niya ipapa-research ko. And I will see if she's worth airing," madiin at makahulugang salita ni Boy.
May ideya ba siya kung nasaan na ang ex-boyfriend ni John na naging stalker niya?
"I don't know. Alam mo, patahimikin na natin ‘yan. It's an old issue. Na-resolve na ‘yan humingi na ng tawad sa akin si Sweet. Alam mo, ayoko nang ungkatin ‘yan. Bong [Quintana, his partner] knows that story," pag-iwas ni Boy.
Ano ang naging reaksiyon ni Bong?
"It's an entirely different story. I mean, kanya na ‘yon. Buhay na ‘yon ni Bong. At buhay namin ni Bong ‘yan. Hindi naman siya public figure. Pero ‘yon nga, umabot na ba kami sa puntong sa susunod na episode ng Buzz, kahit sino na lang pag-aawayin ko para may mainterbyu ako?
"Hindi ko sinasabi na malinis ako, ha. Na malinis ang Buzz. Pero salamat sa Diyos, hindi pa ako kinakausap ni Louie [Andrara, business unit head of The Buzz] at ng mga bosses ko na sabihin yung huli naming ano... Wala pa.
"I am basically assessing also myself, na sana hindi dumating yung pagkakataon na pilit na pilit na ang kuwento ko para lang may mapag-usapan, di ba? Who's decision was that?" huling hirit na tanong pa ni Boy. -
Source
No comments:
Post a Comment