Bodie And Gee-Ann's Date?
Bodie at Gee-Ann, nag-date sa Powerplant
By: Nel Alejandrino
Tattle
HOY, Ian F., atin-atin lang ’to, ha? Alam mo bang after the presscon for the Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 Big Four (Bea, Mickey, Wendy and Gee-Ann) plus Bodie, magkasamang umalis at namasyal sa Power Plant Mall sina Bodie at Gee-Ann?
Naku, alam kaya ito ni Mickey, who admits na may pagtingin din siya kay Gee-Ann?
Kung sabagay, nabanggit din ni Mickey during the presscon na kung sakaling between him and Bodie, si Bodie ang pipiliin ni Gee-Ann, magiging happy siya dahil alam niyang Gee-Ann will be in good hands.
How kind of you naman, Mickey.
* * *
But of course, among the five, kay Wendy pinakamaraming tanong, dahil nga sa image (na napaka-negatibo, aminin man niya o hindi) na nilikha sa loob ng Bahay ni Kuya.
Yes, ito’y kahit pa paulit-ulit na sabihing kaya nagkaroon ng interes ang manonood na subaybayan ang reality show ay dahil sa kanya.
Pero ang maganda kay Wendy, tanggap niyang nagkamali siya at humihingi ng patawad, lalo roon sa mga inaakala niyang kanyang nasaktan. On her part daw kasi, tanggap niyang lahat ang criticisms being thrown at her. Pero, nasasaktan din daw ang kanyang pamilya.
May nagtanong nga pala kay Wendy kung totoong at one time ay naging sila ni Paolo Bediones.
Bagama’t ayaw sana niyang sagutin ang tanong, in the end, she acceded.
Ayon sa kanya, oo, they used to go out. Ito ’yung panahon na sikat na sikat ang Extra Challenge, kung saan si Paolo ang host.
Iyon nga lang, nawalan siya ng ganang ipagpatuloy kung anumang relasyon ang sana’y magkakaroon sila ni Paolo dahil binanggit nitong ayaw na ayaw niyang magamit ang kanyang pangalan sa kung anumang klase ng publicity.
* * *
Graduate pala ng Ateneo de Naga si Bea. For a while, nagtrabaho siya sa Human Resources department ng isang kumpanya. Bagama’t nag-resign na siya from the job in lieu of PBB, nabalitaan niyang the company will welcome her back should she decide na magtrabaho uli roon.
Tanong namin kay Bea: ’Di ba sabi niya mahirap ang kanyang pamilya, how were they able to afford Ateneo de Naga?:
Sagot niya: “Para sa mga magulang ko, mahalaga ang pag-aaral. Kaya, they really prepared for my and my siblings’ education.”
Tulad ni Gee-Ann, wala sa isip ni Bea ang mag-join ng showbiz nang sumali siya sa PBB Season 2.
Ang mahalaga, mapanalunan niya ang bahay, isa sa prizes ng grand winner.
* * *
Mickey, who hails from Switzerland, said he’s giving himself a year para mamirmihan dito sa Pilipinas at para malaman kung maganda ang kapalarang naghihintay sa kanya rito.
Isa sa mga dahilan kung bakit sumali siya sa PBB ay ang mapanalunan ang cash prize na P1 million para makapagpatayo ng isang dance studio.
Now that he has at least half a million (the amount he won as second grand winner), dito sa Pilipinas niya balak magpatayo ng dance studio.
* * *
Twenty-one-year-old Bodie is a graduate of Computer Science, major in Information Technology, sa De La Salle University. He found himself a job in a multinational company.
Although alam niyang the company he worked for will welcome him back any time na gustuhin niya, he has made up his mind to try showbiz first.
Why only now, we asked him.
Hindi man sabihin ni Bodie, kasama na sa pangarap niya ngayon si Gee-Ann. In fact, ipinangako niya ritong ipagkakatiwala si Maria Leonora Teresa, na once upon a time ay naging partner sa buhay ng amang si Tirso Cruz III at ng superstar na si Nora Aunor.
Pero ayon naman kay Gee-Ann, at this point, hindi na niya kailangan ang mga manika para maging security blanket.
In fact, tulad ni Pamela, ang manika niyang isinama sa Bahay ni Kuya, ipinamigay na rin niya ang iba pang mga manika na naging bahagi ng kanyang buhay.
Source
No comments:
Post a Comment