Jul 11, 2007

Bizarre love triangle: Rhian Ramos, Mo Twister and Rhian's ardent fans round two



Fans ni Rhian nanunog

Nali-link pala si Rhian Ramos kay Mo Twister at ayaw ng fans ng dalaga.

Violent ang reaction nila rito. Nagbanta silang hindi na susuportahan ang young actress at sinunog pa ang banner nila na gagamitin sa premiere night ng Ouija.

In-e-mail sa amin ang video ng pagsusunog ng banner na tinawag nilang The Burning of the Rhianaddicts Banner at may kopya nito sa You Tube.

Lagi raw magkasama sina Rhian at Mo at laging magkausap sa phone. Hindi rin pabor ang fans na maggi-guest sa radio show ng huli ang actress.

Ayaw nila kay Mo dahil immoral daw at baka buntisin lang si Rhian gaya ng ginawa nito kay Janet McBride, na nag-deny na nagka-baby sila ni Mo.

Unfair ang akusasyon ng fans kay Mo lalo’t hindi naman nila ito masyadong kilala.

Anyway, may radio show ito at du’n niya sasagutin ang galit ng fans ni Rhian sa kanya.
Nitz Miralles
People's Tonight


No comments: