Jul 17, 2007

Asawa ni Candy, nagpaalam lang na maggu-golf, pero hindi na siya binalikan!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Magtatatlong taon na nang maganap ang ma­sakit na pangyaya­ring ito sa buhay ni Candy Pa­ngilinan. Hindi man niya naka­ka­limutan ito, hindi na siya bitter nga­yon, natang­gap na niya ang itina­kda ng tad­hana. Pero, hindi na­man ito sapat para hindi siya mag-seek ng annulment para mapa­walang bisa ang kani­lang kasal. Kahit na may kamahalan ang ganitong proseso, sa kanya na nagmula ang move na magpa-annul.

“Pwede na akong magpa-annul kasi pa­rang abandoned na ako. Wala na rin akong nara­ramdaman para sa kan­ya ngayon, hindi galit at lalong walang pag­ma­mahal,” aniya.

Masaya na ngayon ang komedyante. Ma­ganda ang takbo ng kanyang career. Ka­sa­ma siya sa sinusu­bay­bayang Walang Kapa­lit nina Piolo at Clau­dine. Ma­rami siyang guestings sa ABS CBN (Love Spell, bagong comedy show ni Aga Muhlach) at napili pa ng TFC para ma­ka­sama sa mga special events nito sa Singa­pore at Bah­rain.

She is also bound for a Canadian tour ka­sama si Sharon Cu­neta sa buwan ng Set­yem­bre at Oktubre.

Patok siyang muli bilang stand up come­dienne (Rock da Vote, PBB finals na kung saan inispoof niya ang grand winner na si Beatriz Saw.

To top it all, meron siyang ginagawang isang movie na kung saan tat­long komed­yante ang ka­sama niya (4-in-1 under Viva Films with Rufa Mae Quinto, Eugene Do­mingo at Pokwang bilang martyr na asawa ni DJ Durano.)

“I’m good because I don’t need to worry anymore even if life goes on with out a part­ner. I feel good and loved by a lot of peo­ple. God loves me more than I love myself and is just preparing me for the best. The best is yet to come.”
Veronica Samio
Pilipino Star Ngayon

No comments: