Angel Locsin's father talks of her transfer to ABS-CBN
Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak ng interview ang ama ni Angel Locsin na si Mr. Angel Colmenares sa showbiz talk show ng ABS-CBN, The Buzz.
Naganap ang ekslusibong panayam ni Boy Abunda kay Mr. Colmenares sa mismong tahanan ni Angel sa Commonwealth, Quezon City. Alam daw ni Angel ang pagpapa-interview ng kanyang ama kay Kuya Boy. Kasalukuyang nasa London si Angel para sa short course nito sa fashion designing.
Naunang nagpa-interview ang bulag na ama ni Angel kay Kuya Boy at saka
siya sinamahan ng manager ni Angel na si Becky Aguila. Ibinulalas ng ama ni Angel ang kanilang saloobin sa nagaganap na kontrobersiya sa kanyang anak. Bukod dito, inilarawan din niya ang tunay na Angel Locsin bilang anak at artista.
Kinuwento ng Daddy ni Angel, tinuruan daw niyang lumangoy ang young actress. Sinanay rin niya ito sa paglangoy hanggang sa paglaki hanggang sa maging national champion at the age of 11.
Nakipag-compete rin daw si Angel sa Hong Kong international age group meet kung saan nanalo siya ng dalawang silver at isang bronze medal.
"I feel very happy talagang I never thought she would achieve these things, she would have a life like this. She is very popular and one thing good is that marunong siyang makisama and she's generous. Everybody loves her," sabi ni Mr. Colmenares.
Palagi rin daw sinasabi ni Mr. Colmenares kay Angel to keep improving herself at ma-involve sa ibang activities gaya ng pagnenegosyo dahil wala raw permanente sa showbiz. Isa raw sa mabisang paraan para ma-improve ang sarili ay sa pamamagitan ng pag-aaral.
"Hindi naman pinakaimportante sa lahat ng bagay ay pera, e. In fact, even with just enough money, you could be very happy. You have less problems, you're healthy. So she's also concerned with her health, that's why she also wants sufficient time and space for her to be able to live more normally."
Tuwang-tuwa rin daw noon ang ama ni Angel nang ibalita ng anak na meron nang development sa eye surgery na puwede nilang subukan para makakita ulit si Mr. Colmenares. Kaya ipina-schedule agad ni Angel sa St. Luke's Hospital ang kanyang ama upang patingnan ang mga mata. Unfortunately, hindi pa angkop sa defect ng mata ni Mr. Colmenares ang bagong technology.
"She cried, she cried," kuwento niya . "Sabi niya, 'Sana Daddy, makakita ka [crying] para makita mo ako sa television o sa movie.' I told her, 'Ah, never mind, don't cry. I'm happy as I am. Especially you are there, you're progressing very well in your career.'"
Aware din daw si Mr. Colmenares sa isyu na ingrata ang kanyang anak dahil sa napipinto nitong paglipat sa ABS-CBN. Tutol siya sa akusasyong ito dahil natapos na ang kontrata niya sa GMA-7 at wala ring nilabag na batas ang kanyang anak.
"In case aalis man siya, because she did her best to serve GMA also. Of course, in the process, she keeps on improving herself. So I think that's a symbiotic relationship. I would like to think that the feeling is mutual because during the five years that she was in GMA, I believe, in her small way, she was able to help also GMA or improve the network," pahayag ni Mr. Colmenares.
Pinabulaanan din niya ang akusasyon kay Angel na wala itong utang na loob.
"Hindi totoo ‘yan," mariing sabi ng ama ng young actress. "‘Yan ay talagang very grateful, itong anak ko. She loves GMA, knowing that GMA truly helped her in her career. If ever she transfers to another network, I think it is her option, it's business decision."
Pabor din daw si Mr. Colmenares sa paglipat ng kanyang anak sa ABS-CBN. Nagustuhan kasi ng ama ni Angel ang ABS-CBN dahil well-defined at spaced out ang paggawa ng projects ng mga talents nila sa network.
In this way, may oportunidad daw si Angel na gawin ang ibang bagay na gusto niya at makakatulong din sa kanya in the future. At higit sa lahat, aware si Angel na tumatanda na ang kanyang ama. Sa edad na 80, nais naman niya na maalagaan at mabigyan ng maraming oras ang kanyang maysakit na ama.
GMANews.TV
No comments:
Post a Comment