Jul 21, 2007

Ama ni Angel, pumirma na sa Dos para sa anak!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Naka-enroll na sa London Fashion School for two weeks si Angel Locsin at magsisimula na ang klase nito sa July 23. Pagpapatunay lang na di totoo ang tsismis na hindi ito nakapasa ng entrance examination dun at di nabigyan ng visa ng British Embassy.

Ngayon pa lang ay ex­­cited na ang magan­dang aktres dahil matu­tupad na

ng pangarap nitong makapagpatayo ng sportswear store dahil isa siyang sports lover.

Dalawang linggo lang ang klase ni Angel at pag­balik ng bansa ay mag-e-enroll din ito sa Business Entrepreneur­ship sa Eastwood City.

Sinabi ng isang source na legal nang nasa ABS CBN si Angel. Pumirma na ka­ha­pon sa Dos ang kan­yang ama. Isa sa come on kay Angel ay ang pangyaya­ring maka­ka­trabaho niya ang mga eli­gible ba­chelors ng network, like Piolo Pas­cual!
Emy Abuan-Bautista
Pilipino Star Ngayon

No comments: