Jun 28, 2007

Ysabella Rocks The Ratings

‘YSABELLA’, UMUSOK AGAD SA RATING
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
TUWANG-tuwa ang buong staff and cast sa ratings na itinala ng Ysabella sa pilot and second episodes last Monday and Tuesday, respectively.

Bagama’t sa pilot ay hindi naungusan ng Ysabella ang katapat na programa sa Siete, masaya na rin sila dahil kaunti lang ang inilamang sa kanila ng Asian Treasures, onsidering na final week na ng said Angel Locsin-Robin Padilla starrer.

But last Tuesday, wagi na ang Ysabella by a score of 31.3% vs. 29.1% of AT sa Mega Manila. Sa Metro Manila, nakakuha ng 31.9% ang said Ryan Agoncillo-Judy Ann Santos starrer vs. 26.4% ng kabilang serye.

Nagpapasalamat ang buong pamunuan ng ABS-CBN sa lahat ng mga sumusubaybay sa bagong serye nina Juday at Ryan at sana raw ay patuloy pa itong subaybayan ng viewers lalo pa nga’t matagal-tagal pa ang itatakbo nito sa ere.

No comments: