Jun 28, 2007

Ruffa Gutierrez Unhappy With Yes! Mag Efforts To Locate Richard Daloia

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pakiusap ni Ruffa, ‘wag nang halungkatin ang tungkol sa buhay niya sa Las Vegas By: Vinia Vivar

HINDI ikinatuwa ni Ruffa Gutierrez ang paghahanap ng Yes Magazine staff kay Richard Daloia, ang unang lalaking pinakasalan niya sa Las Vegas noong 1998.

Sa July issue kasi ng nasabing glossy mag, may article sila about Richard at kung paano nila ito hinanap.

“Sana naman, huwag na nating halungkatin ang nakaraan. Huwag na nating buhayin ang matagal nang patay katulad ng mga nangyari sa Las Vegas, katulad ng mga ex ko, huwag na natin silang buhayin. Parang respeto na lang natin kay Yilmaz, respeto natin sa mga anak ko,” pakiusap ni Ruffa nang makausap namin sa dinner party na ibinigay sa kanya ng Star Studio Magazine last Tuesday night sa Florabel Restaurant sa Podium.

Pati nga raw ang asawang si Yilmaz Bektas ay nalaman ang ni-release ng Yes Magazine kaya agad na tumawag sa kanya nang araw na ‘yun.

“Mas alam pa nga niya kaysa sa akin. Hindi ko rin alam kung paano niya nalaman. So, nakiusap din ‘yung tao na huwag na lang daw halungkatin pa ‘yung mga gan’ung bagay.”

Read the full article here.

2 comments:

Anonymous said...

what the hell is yapping about??? this mag has every reason to look for Daloia-- she is after all STILL MARRIED TO HIM AT THIS MOMENT-- IT'S NOT IN THE PAST-- IT'S THE PRESENT-- LIKE SHE DOESN'T KNOW-- SHE'S A BIGAMIST!

Anonymous said...

You made me laugh hard hahaha. True, she's a Bigamist, I wonder if those big-time Ninongs and Ninangs at the wedding knew the real score, I'm just curious.