Tonyboy to Greta: ‘No more parties’
| |
By: Vinia Vivar | |
HINDI nakayanan ni Gretchen Barretto ang kinaharap na kontrobersya at kuwento ni Nadia Montenegro sa TV, twice na itong nagku-collapse. May tsika ring nag-iiyak ito at ’di kumakain at ang konting food na isinusubo ay agad isinusuka, pero okey na raw ito noong Tuesday at hanggang ngayon. Disappointed siguro ang nag-aakalang hihiwalayan ni Tonyboy Cojuangco si Gretchen dahil hindi ’yun nangyari. Lagi raw itong nasa tabi ng asawa at ini-encourage na kumain at ang advise kay Gretchen ay “no more parties.” Isa sa magandang nangyari sa paglabas ng kontrobersya ay nakilala ni Gretchen kung sino ang mga tunay niyang kaibigan. Kabilang nga rito sina Nadia at Lucy Torres-Gomez na handa siyang ipagtanggol at nakiusap na ’wag agad-agad i-judge ang kanilang kaibigan. Tama rin si Lucy sa sinabing pare-parehong hindi natin alam ang tunay na nangyari at naniniwala itong lilipas din ang panibagong pagsubok sa buhay ni Gretchen. Samantala, nabalitaan naming mag-i-isyu ng official statement si John and hopefully, du’n na matapos ang isyu. Nauna nang nag-isyu ng statement si Gretchen through Boy Abunda sa The Buzz nu’ng Sunday. Source |
No comments:
Post a Comment