Jun 14, 2007

Gretchen And John, Secret Lovers All Along?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

HINIMATAY pala si Gretchen Barretto dahil sa tindi ng depresyon mula nung kumalat ang malisyosong picture ng laplapan nila ni John Estrada sa birthday party ni Rufa Mae Quinto.

Ayon kay Nadia Montenegro, hindi kumakain at hindi nakatutulog ngayon si Gretchen dahil sa labis na pag-iisip. Nakiusap siya na huwag naman daw i-judge ang kanyang kaibigan dahil darating din daw ang tamang panahon na mali-linawan ang isyu.

Isang impormasyon ang nakarating sa amin na diumano’y may consent ni Gretchen ang paghalik sa kanya ni John. Meron ding nagkumpirma na totoong may relasyon ang dalawa.

“Naku, matagal na silang may relasyon. Noon pa yang tsismis sa kanila na ‘yan. Bago pa yung Yes anniversary na napansin din ng mga tao na very sweet sila. Kaya lang, quiet ang mga celebrity. Ayaw nilang magsalita. Dedma na lang sila,” wika pa ng source namin.

Sa pinakahuling update, inamin ni John Estrada na sa kanya ang cellphone na ginamit sa pagkuha ng halikan nila ni Gretchen. Pero hindi malinaw ang kanyang motibo kung bakit niya ito ginawa. Hindi kaya gusto niyang ipagmalaki sa mga kaibigan niyang hindi naniniwala sa kanya na talagang mag-on sila ni Gretchen kaya kai-langan niya ng proof?

Nakakaloka! Ha-ha-ha!

Source

No comments: