Ruffa Gutierrez Could Be Beheaded
Another bizarre twist to the ongoing ugly saga between Ruffa Gutierrez and Yilmaz Bektas.
LALONG nagiging masalimuot ang isyu ng paghihiwalay nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas.
Kung sinu-sino na ang nadadamay. Marami ring mga lihim ang patuloy na nabubunyag. Pero, ang mas nakaaalarma, pati mga Muslim ay nagre-react na sa mga naging pahayag ni Ruffa.
Sa isang radio show na pang-umaga na ang host ay sina Arnold Clavio at Ali Sotto ay nainterbyu nila si Maguindanao Congressman Simeon Datumanong about his reaction sa Ruffa issue.
According to him: “Roffa (Ruffa) could be beheaded, based on Sharia law, if proves that she was previously married before marrying Yilmaz.”
Ganu’n pala katindi ang parusa sa “pagtatago” ni Ruffa about her previous marriage kay Ricahrd Daloia sa Las Vegas nung 1999.
May reaksyon din kaming nakuha mula sa ilang Muslims na hindi nila nagugustuhan pinalalabas ni Ruffa na “Mulims are wife beaters without solid evidence.”
“Muslim community hates her dahil sa sinasabi niyang nambubugbog ng asawa ang mga Muslim. No, they’re not. Mababait sila!” reaksyon pa ng ilang Muslim.
Nakaka-shock, kasi this is no longer showbiz!
Pero, according to Ruffa, pinaninindigan niya ang pagiging battered housewife niya kay Yilmaz. Totoo raw ang kanyang mga sinasabi at hindi siya nagsisinungaling.
Saan pa kaya patungo ang isyung ito?
Sa palitan ng maaanghang na pahayag mula sa kampo ni Yilmaz at Ruffa, naiipit din nang todo si Annabelle Rama. Her reaction is understandable dahil anak niya si Ruffa at karapatan niyang ipagtanggol ito. Ang nakaka-shock nga lang, maging ang personal na pagkatao ni Annabelle ay inaatake ni Yilmaz.
Bukod daw kasi sa pagiging materialistic ni Annabelle, she’s also a “very good seller.”
Hindi na nag-elaborate pa si Yilmaz kung ano’ng ibig sabihin niya ng “good seller.” But whatever it is, may sagot din tiyak dito si Annabelle.
Nagbanta rin si Yilmaz kay Ruffa na hindi na ito makatutuntong sa Europe kailanman dahil balak nitong idemanda ang ex-wife.
Nilabag daw kasi ni Ruffa ang batas sa Turkey at ang batas ng European Union. “She can not enter Europe. I’m opening the case in Europe and Turkey!” wika pa ni Yilmaz.
Halatang wala na ngang natitirang kahit katiting na pag-ibig kay Yilmaz. Dahil sa tindi ng kanyang galit, tila nakalimutan niyang magsa-suffer din ang kanyang dalawang babaing anak sa mga nangyayari.
Sana’y matapos na ang gulong ito nang sa gayon ay makabalik na sa normal na buhay ang mag-asawang nagpasyang wakasan ang kanilang pagsasama.
Source
4 comments:
I feel sorry for their two kids. The good thing is maliliit pa sila, hindi pa nila naiintidihan ang nangyayari. Ruffa and Ylmas should put the two kids best interest first before theirs. Enough of the free publicity. Their war-story is over rated.
sana nga maging ok na sila dalawa, because sabi mo nga ang mga anak nila ang kawawa. sa tingin ko matagal ang healing process nilang dalawa.
The muslim community is really saddened that the religion is being dragged on with the ruffa-yilmaz thing. Ruffa maybe right that yilmaz really maltreated her but she has no right to generalized muslim men as a whole and even question our laws. Im sure, she knew before even "marrying" ylmaz how strict muslims are. Ruffa, being linked to this and that sultan, prince most esp. prince of Brunei...hehe.. materialistic kasi kaya ganun napala. One thing also, please ruffa be consistent.. ang daming loopholes pinagsasabi mo.. If you are indeed being electrocuted, punched, stabbed..blah, blah.. Its a miracle na buhay ka pa...hahaha
in fairness, even non-muslims are shocked that she committed bigamy. as dolly told her, stick to issues ruffa. it's just sad that she had to drag religion down with her just to point the blame at somewhere else other than herself.
Post a Comment