About Nel Rapiz's Eviction By Cristy Fermin
SHOWBIZ MISMO! Ni Cristy Fermin
Ilang oras na naging superstar sa puso ng ating mga kababayan si Nel Rapiz, ang housemate ng Pinoy Big Brother na pinalayas nung Sabado nang gabi, habang kinaiinisan ng bayan si Wendy Valdez ay nakuha naman ng Ilonggong kalahok ang puso ng publiko.
Maraming naiinis, paano raw nakayang talunin ni Wendy si Nel, samantalang nabubuwisit nga ang bayan sa kaartehan ng dalaga?
Sino raw naman ang maniniwalang mas nakalamang ang boto ni Wendy kesa kay Nel, samantalang lantad ang pagkakainis ng publiko ngayon kay Wendy, na ang ibig sabihiy madedehado ito sa botohan?
Sabi nga ng isang nakausap naming inis na inis sa pangyayari, “Hindi na nga tayo nagkakaroon ng malinis na halalan, pati ba naman sa PBB e, meron pa ring dayaan?”
Ang pamunuan na ng PBB ang kailangang magpaliwanag sa tanong ng bayan, ang mga ito ang kailangang sumagot sa tanong ng publiko kung bakit si Nel ang sinipa at hindi ang kinaiinisan nilang dalaga, kailangang malapatan ng sagot ang kanilang pang-uusisa ngayon.
Ang nasasagot pa lang ay kung may katotohanan ba ang duda noon ng marami tungkol sa kasarian ni Nel Rapiz, kung meron bang kaber dehan ang kanyang dugo, buong-ningning nang nasagot yun ng PBB evictee.
“Walang katotohanan yun! Lalaking-lalaki ako!” sabi niya, sabay taas ng kanyang mga braso na para siyang kalahok sa wrestling.
No comments:
Post a Comment