Yasmien Kurdi loves singing better
Sinasabi ni Yasmien Kurdi na kung siya lang daw ang tatanungin, mas bibigyan niya ng priority ang kanyang singing career. Siguro nga masyado lang siyang inspired dahil ang kauna-unahang kanta na siya ang sumulat, ang “Love is All I Need” ay naging isang hit.
Siguro nae-encourage rin siya dahil nang maging hit ang kanyang kanta, maraming kumukuha sa kanya sa mga shows at mas kumikita siya ng malaki. Siguro naririnig din naman niya ang kuwento ng ibang mga singers na kumikita sila ng mas malaki pa kaysa sa mga artistang nagpupuyat sa shooting ng pelikula.
Pero bilang isang observer, ang paniwala namin, dapat mas bigyan ng
priority ni Yasmien ang kanyang career bilang isang aktres. Una, totoong malaki ang kita ng mga singers, pero alam naman ninyo ang mga iyan “good as your last song” ka lang. Walang singer na ang popularidad ay tumagal ng maraming taon na kagaya ng mga artista.
Ayaw na naming pagbasehan ang napapanood naming mga ginagawa ni Yasmien paminsan-minsan. Ang gusto na lang naming pagbasehan ay ang ipinakita niyang acting noon sa Bakekang, aba eh mahusay na aktres si Yasmien.
In fact natabunan niya roon ang inaasahan nilang sisikat na si Lovi. Kontrabida si Yasmien pero siya ang mas nagustuhan ng mga tao. Sa totoo lang mas nagustuhan din namin si Yasmien doon at naipakita niyang mahusay siyang aktres, hindi kagaya noong Lovi na naniwala yatang sapat na ang magpa-cute sa camera.
Ngayon nabibigyan ng break si Yasmien. Siya ang nagre-remake ng ilang pelikulang ginawa noon ni Sharon Cuneta para sa tv. Aba mas bagay namang mag-remake ng pelikula ni Sharon si Yasmien dahil magaling siyang kumanta at higit sa lahat, maganda siya at mukha namang artista talaga.
Ed De Leon
Pilipino Star Ngayon
No comments:
Post a Comment