Katrina, topless sa internet!
Wala pa mang nakakakita sa diumano’y topless picture ni Katrina Halili na kumakalat daw sa Internet, marami na ang interesadong magkakopya. Sabi’y bata pa ang sexy actress sa picture, before siya mag-join ng StarStruck 1 at nag-o-audition pa lang for Viva Hot Babes.
Kapag lumabas na ang nasabing litrato, saka lang
malalaman kung original ‘yun o computer generated.
Kaya lang, wala kaming maalalang nakuwento ni Katrina na nag-audition siya sa Viva Hot Babes, o baka hindi lang namin narinig. Knowing her, hindi nito idi-deny kung talagang nagpakuha siya ng topless, iiyak na lang ito.
Samantala, hindi mababakante si Katrina ‘pag nagtapos ang Lupin dahil kasama siya sa Marimar na eere sa August 20 at pagkatapos nito, siya na raw ang ilo-launch ng GMA-7.
Binanggit na sa amin ang project na gagawin nito, pero bawal isulat.
Nitz Miralles
Pilipino Star Ngayon
No comments:
Post a Comment