Juday at Jolina, mukhang yaya
Sobrang saya ng cast ng Ouija lalo na ang dalawang bida nito na sina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal dahil certified blockbuster ang horror flick nila na co-prod ng GMA at Viva Films.
Ayon kay Vincent del Rosario ng Viva, naka-P60M ang Ouija sa first week ng showing nito nationwide.
Excited na sina Juday sa sequel nito na ang balita ay isusyuting sa abroad at makakasama pa rin nila
ni Jolina sina Iza Calzado at Rhian Ramos.
So, okey lang pala kahit hindi sila pinayagang makapag-promote sa kabilang istasyon dahil wagi pa rin sa takilya ang movie nila (na ‘Graded A’ pa ng CEB)?
"I guess, ang audience now is more mature in terms of movies. Kumbaga, kung talagang sa tingin nila, sa trailer pa lang maganda na, pinanonood nila.
"At malaki ang tulong n’yong lahat (sa press) na nauna n’yong mapanood ‘yung movie. Kasi, ‘yun ang mas naka-boost dahil maganda ang reviews ng pelikula at nakakatuwa dahil doon bumase ‘yung mga tao.
"Sa pagpo-promote namin, malaking hatak ‘yung pagsusulat n’yo ng magaganda sa pelikula namin," masayang dayalog ni Juday sa thanksgiving luncheon ng Ouija kahapon sa 17th floor ng GMA network building.
Happy rin si Juday na hindi pala sila masyadong matagal malulungkot sa kanilang paghihiwalay dahil magkikita-kita ulit ang Ouija Girls sa gagawin nilang sequel.
Bago ‘yon ay tutulungan nina Jolens, Rhian at Desiree del Valle si Juday sa redecoration ng Kaffe Carabana sa Agosto (bago sila lumipad pa-Amerika para sa US screenings ng Ouija).
Hindi makakasali si Iza dahil paalis siya sa Agosto 20 para sa shooting ng Hollywood remake ng Sigaw na The Echo.
Two years ago na nu’ng bigyan ng bagong bihis ng celebrity friends ni Juday ang kanyang resto-bar. Kasali rin noon sina Jolens at Desiree.
"Ang anniversary talaga ng Carabana is July. Wala lang akong time for the event, so tinapos ko lang ‘tong showing ng Ouija. Aayusin namin ‘yung bar, kasi papalitan ko na rin ‘yung buong menu.
"Ang ire-retain ko lang eh ‘yung mga bestseller namin. Pero lahat, ako na ang gagawa. Para naman makita ng mga tao na nag-Culinary nga ako! Ha! Ha! Ha!" tawa ng young superstar.
Hindi ba sila naiinggit kay Iza na gagawa ito ng movie sa Hollywood?
"Ay, hindi! I’m so proud of her. Talagang she deserves it dahil napakabait niyang tao. At pinag-uusapan nga namin ni Jolina na ’yung mukha ni Iza, Latina, di ba? Pasadung-pasado talaga siya sa Hollywood!
"Kung kami, mukha kaming mga yaya, di ba? Hindi sapat. Hindi umabot sa quota ng kagandahan! Si Iza, lumagpas! Kaya deserve niya talaga ‘yon dahil siya lang ang nakikita kong makakatawid talaga na walang ka-effort-effort!" papuri niya sa Ouija co-star.
Lahat ng artista ay nangangarap na mabigyan ng break sa Hollywood, di ba?
"Ay, ako hinde! Tanggap ko naman, eh! Tanggap ko na hindi ako papasa roon! Dito na lang ako sa kung saan mahal ako ng tao! Ha! Ha! Ha!" halakhak ni Juday.
ALLAN DIONES
Abante-Tonite
No comments:
Post a Comment