Jolina denies talk she's migrating to the US
Nagulat si Jolina Magdangal noong victory party ng box-office hit Ouija nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)—totoo bang magma-migrate na siya sa States?
Ang sabi-sabing dahilan ng kanyang pag-alis: Una, hindi na raw siya masaya sa GMA-7 network dahil wala siyang regular show ngayon maliban sa SOP. Pangalawa, libre na raw siyang mag-migrate dahil may lifetime U.S. visa siya. Alin ang totoo?
"Hindi po totoo iyon," sagot ni Jolina. "Pero totoo pong nabigyan na ako ng visa ng
U.S. Department of Home and Security ng Alien of Extraordinary Ability, kaya free na akong mag-travel anytime, na hindi ko na kailangang kumuha ng working visa kung magso-show ako sa USA."
Tungkol naman sa balitang hindi na siya masaya bilang Kapuso dahil iisa na lang ang show niya, heto ang paliwanag niya: "Bukod po sa SOP, mayroon pa akong Masigasig sa QTV 11 at medyo mahirap iyon dahil seasonal ito, entrepreneurship, at matatapos na rin ito.
"Pero magiging busy ako sa pagta-travel ngayon dahil sa pagpu-promote ko ng GMA Pinoy TV abroad. Aalis kami nina Judy Ann (Santos) at Rhian (Ramos) para sa world premiere ng Ouija sa September 21 dahil sa September 29, nasa Seattle kami, sa September 30 sa San Diego, California at sa October 7 sa Orlando."
Dagdag pa niya, "We are hoping na by that time, tapos na ni Iza [Calzado] ang shooting niya ng The Echo para makasama namin siya sa premiere night, at masaya po ito, ibang bonding naman naming apat. Uuwi po muna ako rito pagkatapos ng world premiere namin, bago ako aalis muli para sa GMA Pinoy TV promo. Hindi naman magiging mahirap sa akin dahil per project contract lamang ako sa GMA Network. May sinasabi po silang soap na gagawin ko, pero wala pa po silang sinasabi sa akin."
Kung bibigyan siya ng sinenovela, alin sa mga dating pelikula ang gusto niyang gawin?
"Ay, gusto ko po ng Inday Bote o Inday sa Balitaw ni Ate Maricel [Soriano], o ‘di kaya iyong Jack ‘n Jill ni Ate Sharon [Cuneta] with Vice Mayor Herbert Bautista."
Pero excited din si Jolina sa possibility na may isang movie siyang gagawin next year sa GMA Films. Okey ba sa kanya kung si Marvin Agustin ang makakatambal niya?
"Oo po naman, si Marvin pa. Kaya lamang, iba po yata ang sinabi nila na makakatambal ko. Ang alam ko po inaayos pa ito at saka baka po sa Europe ang shooting namin. Pero mauuna po raw ang shooting namin ng sequel ng Ouija na baka sa States naman isu-shoot at gusto nilang winter time para naiiba. Yes, si Topel Lee pa rin po ang magdidirek at gagawan din ng paraan sa script para po kasama pa rin sina Iza at Rhian," pagtatapos ni Jolina.
GMANEWS.TV
No comments:
Post a Comment