Rhian takot magka-bf
MALUNGKOT na umuwi last week sa London ang Pinoy-British football player na admirer ni Rhian Ramos dahil hindi pa handang umibig si babae.
Napag-isip-isip ng da-laga na mag-concentrate muna sa kanyang showbiz career.
Ayaw pang makipag-relasyon ni Rhian. Ini-entertain lang niya ang mga nanliligaw sa kanya, pero wala pa siyang balak mag-boyfriend.
“Aminado akong nag-kaka-crush ako, like kay Richard (Gutierrez), eh, sino ba ang hindi magkaka-crush sa kanya lalo pa’t ka-sama ko siya palagi sa Lupin. Crush ko rin ang si Phillip Younghusband (Fil-Am football player), pero hanggang do’n lang muna.”
Halos mag-iisang taon pa lang si Rhian sa showbiz, pero marami na rin siyang na-accomplish. Na-ging part siya ng Captain Barbell. May dalawang movies na rin siyang nagawa sa GMA Films, ang The Promise at Ouija.
“Natutuwa ako na kahit sandali pa lang ako sa showbiz ay marami nang nagtitiwala sa akin. Kaya for me, dapat lang na sa trabaho muna ako mag-concentrate,” wika pa ng dalaga.
Samantala sa Lupin, hindi titigilan ni Lupin ang pagganti kay Duroy (Tirso Cruz III) dahil alam niyang papatayin siya nito.
Si Avril (Rhian ) naman ay malalamang ipapatay na siya ng kanyang sariling tiyahin.
Noel AsiƱas
People's Taliba
See this video of Showbiz Central with Phillip meeting Rhian. Video posted by jyc325.
No comments:
Post a Comment