Busted: Anne indirectly admits romance with Sam Milby
This one is a cute story, Anne Curtis was a guest at Boy & Kris and she underwent a lie detector test while being asked several questions by the hosts. Yes, she was asked about Sam Milby who's being linked to her recently. Here's what happened:
Sumailalim si Anne sa polygraph test sa taping ng morning program ng ABS-CBN na Boy & Kris kahapon, July 10. Kung pagbabasehan ang resulta ng nasabing polygraph test, lumalabas na may namamagitan na kina Anne at Sam higit sa pagiging magkaibigan. Nang tanungin si Anne kung totoong naging mas close sila ni Sam noong nasa Thailand sila, walang kagatul-gatol na sinabi ng young actress na "Yes!" Sa tanong naman kung nagsabi na sa kanya si Sam ng "I love you," hindi ang sagot ni Anne. Pero ayon sa lie detector equipment ay nagsisinungaling ang young actress. Kaya biniro siya ng co-host ng Boy & Kris na si Kris Aquino ng "You're a liar!" Nang hingan ng paliwanag si Anne, sinabi niyang "Siguro nag-‘I love you' na siya sa Maging Sino Ka Man, ganyan lang. Pero hindi sa personal" Sa kabila nito, hindi pa rin kumbinsido si Kris sa paliwanag ni Anne dahil nakita raw nito sa mga mata ng young actress na hindi siya nagsasabi ng totoo. Sa huli, bumigay na rin si Anne dahil nang tanungin siya if it's true that she can't live without Sam, ito ang kanyang naging sagot: "I must rather have him in my life. Yes!"
Source
No comments:
Post a Comment