Jul 12, 2007

Alfred, naiintriga kay Wendy



HINDI malayong ma-link si Alfred Vargas sa kontrobersyal PBB2 ex-housemate na si Wendy Valdez.

Magkakasama kasi ang dalawa sa Metro Manila filmfest entry na Banal ng GMA-7 reporter-turned-film director Cesar Apolinario.

Ngayon pa lang, labis nang naiintriga ang actor sa showbiz newbie.

Marami na raw siyang naririnig na feedback sa malditacious (read: maldita) girlfriend ni Bruce Quebral, kaya’t “she must be an interesting personality,” sabi pa ni Alfred sa launching kamakalawa bilang pinakabagong celebrity endorser at image model ng Hammerhead shirts, kapalit ni Piolo Pascual.

Hindi naman kaya ma-insecure ang on-off girlfriend niyang si LJ Reyes sakaling maging close si Alfred kay Wendy?

As it is, kari-rekindle pa lang ng relasyon nila, na nagkalamat, ayon na rin sa aktor, dahil as pagkakamali niya.

Pero sey ni Alfred, “Ang love naman kahit na second, third, fourth or fifth time around is always the loveliest. I don’t think mauulit pa ang nangyari before.

“Ang mga lalaki kasi, nakagagawa ng mga pagkakamali. Ang importante ay you recognize and accept that. Pagkatapos, learn to correct the mistake at huwag mo na ngang uulitin for you to earn the trust of the one you love at hindi na uli mawala ito.”

Incidentally, isa si Alfred sa part-owners ng Barrakz Bar nina Allan K. sa T. Morato, kung saan ginanap ang Hammerhead launch.
People's Tonight

No comments: