Sep 20, 2007

GMA buys rights of telenovela Rosalinda

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Bagama't walang tuwirang nagbalita, may kumalat na usap-usapan last week na kung si Marian Rivera raw ang Marimar ng GMA-7, si Angel Locsin naman ang magiging Rosalinda ng ABS-CBN.

Ang Rosalinda ang huling soap ng Mexican singer-actress na si Thalia na naipalabas sa Philippine television, sa ABS-CBN, noong 1999-2000. Ito rin ang may hawak ng record for the highest-rating primetime show, 69.8 percent, sa Pilipinas ayon sa AGB Nielsen Philippines.

Bagama't tunay na bagay nga ang papel na Rosalinda para kay Angel na nasa ABS-CBN na ngayon, hindi niya naman ito puwedeng gampanan dahil nasa GMA-7 din pala ang rights nito na nabili sa Televisa kasabay ng Marimar.

Hindi raw package ang pagkakabili ng GMA-7 sa dalawang Thalia soaps. Separate purchases with separate contracts daw ito, ayon sa mismong pumirma ng deal.

Wala pang pangalan na nakadikit sa Rosalinda as of now dahil next year pa raw ito sisimulan ng GMA-7.

Nakahilera na ang mga susunod na primetime shows ng GMA-7 ngayong taon, starting with Zaido na papalit sa Impostora; ang Kamandag ni Richard Gutierrez na papalit sa Mga Mata Ni Anghelita; at ang Joaquin Bordado na papalit sa Marimar, na next year na magtatapos dahil part of the agreement daw na guaranteed twenty-six weeks ang itatagal ng launching soap ni Marian.

Ang leading man ni Thalia sa Rosalinda ay ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo, na gumanap bilang Fernando Jose. Matatandaang bumisita rin sa Pilipinas si Fernando sa kasagsagan ng kasikatan ng kanilang telenovela ni Thalia.

Bukod sa Marimar (1994) at Rosalinda (1999), ang iba pang Mexican telenovelas ni Thalia na ipinalabas sa Pilipinas ay ang Maria Mercedes (1992) at Maria del Barrio (1995).
Philippine Entertainment Portal

No comments: