Thea Aquino relates experience with Josh Hartnett as co-star in a film
Sa dami ng mga nag-audition para sa role ng isang Pinay dancer sa Hollywood movie na I Come with the Rain, starring Josh Hartnett, itinuturing ng isang malaking suwerte ni Thea Aquino na siya ang napili para sa role.
Competing with more than a hundred girls, including some big-named sexy stars, is no easy thing. Pero nang tawagan nga raw siya, hindi napigilan ni Thea ang maiyak.
"Dalawang taon na po kasi akong nakikipagsapalaran, pero malabo pang may
mangyayari sa akin. Gusto ko na pong sumuko," kuwento ni Thea sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Nakabalik na si Thea mula sa Mt. Diwalwal sa Campostela Valley, Davao, kung saan kinunan ang ilang bahagi ng I Come With The Rain.
Ayon kay Thea, kapag naipalabas na ang naturang Hollywood movie, halos tatlong minuto lang daw ang magiging exposure niya, pero umabot daw ng anim na araw ang shooting niya.
"Sulit naman po, okay lang po ‘yung mga pagod ko. Metikuloso po ang direktor namin na si Tran Anh Hung [Vietnamese director of The Scent of Green Papaya] kaya medyo matagal talaga. Sabi po niya sa akin, kahit na maiksi lang daw ang exposure ko, tiyak na kikilanin po ako dahil ginandahan po raw niya talaga ang exposure ko. Dancer po kasi ako rito at kapag pinanonood ako ni Josh, nagbabalik sa kanyang alaala ‘yung mga traumatic experiences niya in the past," kuwento ni Thea.
Bukod sa kanilang director, hanga rin si Thea kay Josh dahil sa pagiging "cowboy" nito sa set.
"Lagi po siyang nakikipagtawanan at nakikipagkuwentuhan sa mga tao sa set. Hindi po siya tumatanggi sa mga nagpapakuha ng pictures sa kanya. Sinasabayan po niya kami kapag oras ng kainan. Wala po talaga siyang star complex, madali siyang makagaanan ng loob," papuri pa ni Thea sa Hollywood actor na napanood sa mga pelikulang Pearl Harbor, Black Hawk Down, 40 Days and 40 Nights, Hollywood Homicide, at Sin City.
Dagdag na kuwento naman ng manager ni Thea na si Edwin Giquin, minsan daw ay humingi ng sigarilyo sa kanya si Josh. "Biniro ko siya, sabi ko, ‘This is the cheapest brand of cigarette here in the Philippines.' Tumawa lang siya't kumuha ng tatlong sticks.'"
Si Thea ay dalawang taon nang nasa showbiz. Bukod sa Hollywood movie na I Come With The Rain, she also did a small role in the award-winning digital film Tulad ng Dati.
Regular na nagmomodelo sa mga sexy fashion shows si Thea na laging kasama ang dalawang Burmese pythons. Ito ang rason kung bakit tinagurian siyang "Snakewoman" ng ilang entertainment press.
GMANEWS.TV
2 comments:
I'm happy for her she got this part-- but gee... can't a Filipina actress get a better break in an international film doing more other than a cheap character??? last time-- in Priscilla, Queen of the Desert-- there's this cheap slag Pinay character shouting tagalog cuss phrases.
here we go again. for every little Flip break in the international film arena-- ANOTHER ASIAN COUNTRY IS MAKING GIANT STRIDES-- like this Viet director--as this is a big budget Hollywood studio backed feature-- with about 80 mil US budget-- whereas the Echo is only getting crumbs with her 5 mil measely dollar budget.
and Montano can shut up with his the Great Raid-- wh didn't get a cinema relese in US-- & the Josh co-star in this is a Korean...
with shitheads like Ruffa & the Phil press all agog with that sort of rubbish-- how can Phil entertainment ever be taken seriously, improve or move forward???
Yun nga, ang alam naming co-star is si Hyun-Bin ewan bakit sa ibang articles Japanese daw.
Ang bet is GRO si Thea sa role niya, which is sad talaga.
Post a Comment