Sandara to Hero Angeles: ‘You’ll always be my gwapong partner’
Ngayong araw na ito ang simula ng buwan ng Agosto, pero huling araw naman ni Sandara Park sa bansang Pilipinas—for now. Nagdesiyon na kasi ang Korean young actress na itigil na ang kanyang showbiz career at bumaling na lamang sa Korea.
Pero base sa mga K-txt—tawag sa mga text messages na ipinapadala ni Sandara sa kanyang fans at pinu-post naman ng ilan sa thread ng young actress—masasabing open pa rin si Sandy na bumalik at muling magtrabaho rito.
Kung meron man sigurong mami-miss ang mga fans ni Sandara rito sa Pilipinas ay ang
mga K-txt nito na sa isang araw ay hindi lamang isa kung magpadala ng text message. Not unless, kahit nasa Korea na siya ay magagawa pa rin niyang mag-K-txt araw-araw.
Sa Hero-Sandara egroup, nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa sa huling K-txt messages ni Sandara ilang oras bago siya umalis kaninang hapon.
Nagawa pa ni Sandara na magbigay ng kanyang mensahe sa kanyang original ka-loveteam at ka-batch sa Star Circle Quest na si Hero Angeles, na nakalagay sa una sa dalawang K-txt niya bago dumating ng airport:
"To my Hero. Hi! How are you? Congrats sa indie film na ginawa mo. Sold out ha! Pag gagawa ka ulit ng movie, you can ask me anytime kung kailangan mo ang magandang leading lady o role na multo.
"Ang daming nangyari sa ating dalawa. Sabay tayo sumikat, sabay tayo tumawa, sabay tayo nagpuyat, sabay tayo naghirap. And now, kahit naging strangers na tayo, you'll always be my first leading man and guwapong partner. We are so lucky to have them, HeroSan supporters, na hanggang ngayon ay nandiyan pa and still waiting for us to come back. So lets' be happy and thank them for the love na ibinigay nila sa atin. Sobra!
"I'll miss you, kahit nung minsan ikaw ang pinaka-hate kong tao sa buong mundo. Minahal pa rin kita! Ikaw? Minahal mo ba ako? Good luck sa ating dalawa kung saan man tayo at kung ano man gagawin natin. Aja! Ur baby, Sandara."
Ikalawang ka-txt naman ni Sandara ay ang pagpapasalamat sa mga kaibigang nakaalalang bigyan siya ng farewell dinner at sa mga fans na patuloy pa ring sumusuporta sa kanya. Kasabay ang pangakong one of these days ay babalik pa rin siya sa Pilipinas.
"Papunta na kami airport ngayon! Thank you kagabi sa mga friends ko na dumating for me! Melisa, roxan, joros, mic, aiza, kitkat, jake, and my non-showbiz true friends, na-touch ako sobra! Sa sobrang saya ko, ayoko na umalis! Kaya lang, sayang nga ‘yung plane ticket, di ba?
"Tama kayo, I won't say goodbye dahil hindi naman ito goodbye! It's just... See you again! Vacation muna ako! Mas maganda na ako pagbalik ko! Kain tayo pagbalik ko. Ol ako bukas ha, sa internet shop muna ako kasi malamang wala pang Internet sa bahay. Thank you sa inyong lahat! I'll miss you my friends... Mahal nyo ako? Mahal ko rin kayo!"
Ayon kay Sandara, wala raw siyang ideya na may pinaplano palang farewell dinner ang ilan sa mga kaibigan niya. Masayang-masaya nga siya dahil akala raw niya, sa bahay lang niya ilalagi ang ilang oras na lang niya sa Pilipinas before going to Korea.
Bukod sa mga fans niya, Star Circle Quest friends, at iba pang mga kaibigan, malaki ang pasasalamat ni Sandara sa mga showbiz friends niya na nag-take time off sa kani-kanilang work para makasama siya bago siya umalis.
GMANEWS.TV
No comments:
Post a Comment